Tekla, naiyak nang maalala ang panahong natutulog siya sa kalsada; "Sobrang hirap"
- Sa challenge sa kanya ng ka-tandem niyang si Donita Nose, naalala ni Super Tekla ang mga panahong natutulog lamang siya sa kalsada
- Naibahagi niya na anim na buwan siyang naglalatag lamang sa may World Trade Center sa Pasay City
- Nilarawan niya kung gaano ang hirap ng buhay niya roon sa kanyang 'pagkadapa'
- Kaya naman masasabi niyang masuwerte talaga siya sa mga tinatamasang biyaya ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi napigilang maluha ni Super Tekla nang maalala niya ang hirap sa loob na anim na buwan niyang pagtulog sa kalsada.
Nalaman ng KAMI na ang pinakabagong challenge sa kanya ng kanyang ka-tandem na si Donita Nose ay ang manatili sa kanilang garahe hanggang sa sumikat na ang araw kinabukasan.
Natalo kasi si Tekla sa basketball game nila ni Donita kaya naman iyon ang kanyang parusa.
Nang maglatag na ng mga karton si Tekla at maupo sa kanilang garahe, doon na niya naikwento ang karanasan niya sa may World Trade Center sa Pasay na nagsilbing pahingahan niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"It reminds me of nangyari sa buhay ko, nadaanan ko ito. mas malala pa dito."
"Ito swerte may electric fan may upuan. 'Yung six months kong ano experience sa may world trade center sa Pasay, sobrang worst 'nun. Ulan, init, gutom, panganib siyempre na baka mapag-tripan ka doon na nakahiga ka"
Naging emosyonal lalo si Tekla nang mabanggit niya na iyon ang mga panahong 'nadapa' siya sa buhay at napasama sa mga maling tao.
"Itong naisip ni Donita na consequence sa akin, galing ako sa ganito, sa ilalim ng tulay doon ako naglalatag."
"Dumating ako sa point ng buhay ko na na nadadapa ka talaga minsan. May desisyon ka sa buhay na hindi mo pinag-iisipang maigi... Maling tao, maling environment"
Mula pa rin noon na nasa probinsiya pa raw si Tekla ay sanay na talaga siya sa hirap. Kaya naman ngayong tinatamasa na niya ang tagumpay dala na rin ng kanyang pagsisikap, masasabi niyang masuwerte pa rin daw talaga siya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Donekla in Tandem YouTube Channel:
Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Kasalukuyan na silang mayroong 2.9 million subscribers sa kanilang YouTube channel.
Kamakailan, naglabas sila ng saloobin kaugnay sa pagba-bash sa kanila nang kapanayamin nila ang ex ni Tekla na si Michelle Banaag.
Pansamantala nilang inalis sa kanilang YouTube channel ang naturang video ngunit matapos na tanungin ang publiko kung nais nilang mapanood pa rin panayam, ibinalik din nila ito.
Doon ipinakita na maayos nang kinausap ni Donita si Michelle na umaming noon pa man ay ayaw niya ang babaeng ito para sa kaibigang si Tekla.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh