Hazel Edep, truthful sa lie detector test; mga nakapulot ng CP, hati ang resulta

Hazel Edep, truthful sa lie detector test; mga nakapulot ng CP, hati ang resulta

- Inilabas na ng programa ni Raffy Tulfo ang resulta ng polygraph o lie detector test na isinagawa kina Hazel Edep, JM Cuizon at tatlong nakapulot umano ng kanyang smartphone

- Lumabas na nagsasabi ng katotohanan sina Hazel at JM habang hati naman ang resulta para sa tatlo

- Isang mahalagang tanong kung saan nagsinungaling si Jumar Estudillo, isa sa grupo, ay ang tanong kung sa kanya ang CP number na ginamit pantext kina Hazel

- Sinubukang pag-ayusin ni Tulfo ang magkabilang panig at handa naman umanong magpatawad si Hazel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilabas na sa programa ni Raffy Tulfo ang resulta ng isinagawang polygraph o lie detector test sa TikTok celebrities na sina Hazel Edep at JM Cuizon gayundin sa grupo ng nakakuha ng smartphone ni Hazel na sina Jumar Estudillo, Ria Balliola, at Annabelle Aguilar.

Read also

Hazel Edep, handang makipag-ayos sa mga nakapulot ng CP

Nalaman ng KAMI na sa lahat ng naitanong sa naturang test, lumabas na nagsasabi ng katotohanan sina Hazel at JM.

Samantala sa tatlong akusado, hati umano ang resulta. Lumabas na dalawang beses na nagsinungaling sina Annabelle at Ria habang apat na beses namang hindi nagsabi ng katotohanan ni Jumar.

Hazel Edep, 'truthful' sa lie detector test; grupo na kumuha ng CP, hati ang resulta
Hazel Edep (Photo credit: Hazel Grace Edep)
Source: Facebook

Sa kabila ng naging resulta, buong pagtanggi pa rin ang ginawa ni Jumar na alam daw niya sa sarili ang katotohanan.

Paliwanag naman ni Chito Dela Paz, ang chief polygraph examiner ng Truth Verifier Systems Inc., Nadulas umano si Jumar at sinabing nagpanggap itong kapatid ni Angelito.

Si Angelito ang kasalukuyang nakakulong na siyang sinasabing kagagaling lamang sa stroke na sinasabing dahilan 'di umano ng grupo para manghingi ng Php50,000 mula sa TikTok Star.

Paliwanag naman ni Jumar, sinabi niya iyon bilang magkakapatid na umano ang turingan nila mula pa noong 1999.

Sinubukan ni Tulfo na pag-ayusin na lamang ang magkabilang panig gayung handa namang magpatawad ni Hazel sa grupo.

Read also

Raffy Tulfo, sinamahan ang kasambahay upang tuluyang kasuhan ang anak ni Lucio Tan

Narito ang kabuuan ng video sa ikalawang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Hulyo 27:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Unang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang grupo ng umano'y nakapulot ng cellphone ng kilalang TikToker na si Hazel Edep.

Ngunit nang marinig na ni Tulfo ang pahayag nina Hazel at nobyo nitong si JM Cuizon, minarapat niyang ipasailalim ang mga ito sa lie detector test. Pumayag naman ang magkabilang panig kaya naman sa lalong madaling panahon, naisagawa ito at nailabas agad ang resulta makalipas lamang ang ilang araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica