Hazel Edep, handang makipag-ayos sa mga nakapulot ng CP
- Handang magpatawad ang TikToker na si Hazel Edep sa mga umano'y nangikil sa kanya maibalik lamang ang nawala niyang smartphone
- Ito ay matapos na ilabas ng programa ni Raffy Tulfo ang resulta ng isinagawa sa kanilang polygraph o lie detector test
- Ayon sa resulta, lahat ng katanungan at nagsabi ng katotohanan sina Hazel at nobyong si JM Cuizon
- Samantala, hati naman ang naging resulta para sa grupong nakapulot umano ng CP ni Hazel kung saan ilang tanong ang lumabas na sila ay nagsinungaling
- Sinubukan ni Tulfo na pag-ayusin na lamang ang magkabilang panig
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Handa umanong magpatawad ang TikToker na si Hazel Edep sa grupo ng mga umano'y nangikil sa kanya bago isauli umano ang kanyang cellphone.
Nalaman ng KAMI na sa inilabas na resulta ng lie detector test kay Hazel at nobyo nitong si JM Cuizon gayundin sa grupo na binubuo nina Jumar Estudillo, Ria Balliola, at Annabelle Aguilar, nagsasabi ng buong katotohanan ang magkasintahang TikTok Star kaugnay sa pagkawala ng cellphone ni Hazel na napulot umano ng grupo.
Lahat ng katanungan ay pawang katotohanan ang isinagot nina Hazel at JM habang hati naman ang resulta sa tatlo.
Ilang katanungan ang pinabulaanan nina Annabelle at Ria habang si Jumar ang nakaapat na tanong kung saan nagsinungaling umano ito.
Dahil dito, sinubukan ni Raffy Tulfo na pag-ayusin na lamang ang magkabilang panig.
Ayon kay Hazel, bagaman at matinding stress ang inabot niya sa insidenteng ito lalo na at magbi-birthday pa naman siya sa mga panahong iyon, handa naman daw siyang magpatawad.
Iyon ay kung aaminin na nina Jumar, Ria at Annabelle ang umano'y kasalanan nila sa TIkTok star.
Maging ang kasalukuyang nakakulong na si Angelito at maaabswelto kung magawa ng tatlo na umamin at magsabi 'di umano ng katotohanan.
Sa kasamaang palad, umalma si Jumar at ipinasa ang desisyon sa asawa ni Angelito. Binigyan pa sila ni Tulfo ng panahon upang mapagdesisyunan ang pakikipag-ayos na lamang sana sa kanila ni Hazel.
Narito ang kabuuan ng panayam sa ikalawang bahagi ng 'Wanted sa Radyo' ngayong Hulyo 27:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Unang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang grupo ng umano'y nakapulot ng cellphone ng kilalang TikToker na si Hazel Edep.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh