Mga bagong complainant, namukhaan ang grupong nakapulot ng CP ng TikTok Star
- Dumulog na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang mag-asawang nabiktima din di umano ng grupong nakakuha ng cellphone ni Hazel Edep
- Kwento ng mag-asawa na sa Divisoria rin ito naganap noon pang taong 2019
- Naiyak pa ang babae habang isinasalaysay ang pangyayari lalo na at namukhaan niya umano ang grupo
- Patuloy na paiimbestigahan ni Tulfo ang naturang paratang ngunit nakumpirma nilang nakapagpa-blotter sa pulisya ang mag-asawa nang maganap ang insidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lumabas sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang mag-asawang sina Maritessat Alvin Rivera na nagsasabing nabiktima rin umano sila ng grupo na nakapulot ng cellphone ng TikTok Star na si Hazel Edep.
Kwento ni Marites, sa Divisoria rin umano naganap ang insidente kung saan nawalan siya ng Php20,000.
Ang itinuturo niyang mga salarin ay sina Jumar, Annabelle at Angelito na mga nakausap ni Hazel Edep na nakakuha umano ng kanyang nawalang cellphone.
Taong 2019 pa nang mangyari ang insidente ngunit tila sariwa pa ito kay Marites na naiiyak pa rin habang isinasalaysay ang pangyayari.
Nilingon daw niya kasi ang grupo na malakas na nagkikwentuhan bago siya tuluyang ginitgit ng mga ito.
Hanggang sa nalaman niyang nawala na ang Php20,000 niyang dalang pera na labis niyang ikinalumo gayung ipinangutang pa nila itong mag-asawa.
Bilang paunang pagkumpirma, nagtungo ang staff ni Tulfo sa police station kung saan pina-blotter ng mag-asawa ang nangyari.
Lumabas na noong Mayo 25, 2019 naitala ang insidente ng pagnanakaw ng apat na katao kay Maritess. Sinabi na ang apat na ito ay ang bumubuo sa grupo na siyang nangikil di umano sa TikToker na si Hazel Edep para lamang makuha ang nawala nitong cellphone.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh