Mag-asawang nagpa-take out ng pagkain, nagulat nang 'dagdagan' ng waiter ang iuuwi nila

Mag-asawang nagpa-take out ng pagkain, nagulat nang 'dagdagan' ng waiter ang iuuwi nila

- Kinagiliwan ng mga netizens ang kwento ng mag-asawang nagpa-take out ng kanilang natirang pagkain mula sa isang restaurant

- Naisip din nila kasing i-merienda ito at nanghihinayang sa hindi nila naubos na pagkain

- Upang hindi raw masyadong nakakahiya, sinabi ng misis na para ito sa kanilang aso

- Subalit laking gulat ng mag-asawa sa ginawa ng waiter na 'nagmagandang loob' at dinagdagan ang kanilang take out

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post tungkol kay Lorenzo Faraon at kanyang misis na nagpa-take out ng pagkain sa isang restaurant sa Batangas.

Nalaman ng KAMI na nanghinayang umano sina Lorenzo sa kanilang natirang pagkain kaya naman naisip nila itong ipabalot.

Ngunit upang hindi raw nakakahiya, sinabi nila sa waiter na ipababalot ang pagkain para sa kanilang alagang aso.

Mag-asawang nagpa-take out ng pagkain, nagulat nang 'dagdagan' ng waiter ang iuuwi nila
Photo credit: Flickr
Source: UGC

Subalit ang totoo, kakainin pa sana nila ito sakaling sila ay magutom pag-uwi.

Read also

Beks Battalion, sinadyang pabahuin ang hininga nila para i-prank si Angeline Quinto

“So tinawag ko si kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake-out ko nalang para sa aso nmin.”

At nang ibalik na sa kanila ang kanilang take out, proud pa ang waiter na sabihing dinagdagan nila ito para mas maraming makakain ang kanilang alagang aso.

"Sinamahan ko na din po ng iba pang tira-tira para mas madami po kayong maiuwi sa aso niyo.”

Natulala na lamang daw ang mag-asawa sa pagkaing sana raw ay inubos na lamang nila.

Umani ng 142,000 laughing reactions ang post na naibahagi rin ng Go Batangas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kinagiliwan din ng netizens ang sinapit ng isang groom na naligaw at muntik pang maikasal sa ibang bride dahil sa maling direksyon na itinuro ng GPS.

Lumabas na maling lugar din ang naibigay ng kanyang bride kaya naman sa ibang kasalan siya napunta.

Read also

Maulang outdoor wedding, umantig sa puso ng maraming netizens

Samantala, kinaaliwan din ang video ng isang lalaki sa van na hindi nakatiis sa humingi ng kendi sa nakasakay niyang ale. Naglabas kasi ito ng isang plastik ng kendi na may karamihan pa.

Hindi talaga nakapigil ang lalaki at humingi ng dalawang piraso sa ale na hindi naman na nakatanggi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel