TikToker na si Hazel Edep, nilinaw na hindi 'for content' lang ang pagkawala ng CP

TikToker na si Hazel Edep, nilinaw na hindi 'for content' lang ang pagkawala ng CP

- Natanong ni Raffy Tulfo ang TikTok Star na si Hazel Edep ukol sa reaksyon nito sa mga sinasabi ng netizens na gawa-gawa lang nila ang kasalukuyang kontrobersiya

- Dahil sa may bagong mga lumutang na complainant sa nakapulot ng cellphone ni Hazel, sinabi nagamit pa umano ito ng TikToker para humaba ang kwento

- Depensa naman ng nobyo ni Hazel na si 'Boss Choy', kahit ano pa man daw ang kanilang paliwanag, lumalabas pa rin silang mali

- Hinayaan na lamang umano ni Hazel ang mga pambabatikos at ayon sa kanya, darating naman ang oras na lalabas din ang katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinarating ni Raffy Tulfo sa TikTok Star na si Hazel Edep ang umano'y mga sinasabi ng netizens na gawa-gawa lamang umano nila ang pagkawala ng kanyang cellphone.

Sa paglabas ng dalawa pang complainant laban sa grupo ng mga nakapulot ng cellphone ni Hazel, lalong dumami ang nagsasabing ginawa na lamang ito ng TikToker upang magkaroon sila ng malaking content sa kanilang mga videos.

Read also

Vlogger, namangha kung paano hinarap ng mga Pinoy ang baha at lindol na sabay na dinanas

Subalit sagot nina Hazel at ng kanyang nobyo na si JM Cuizon, kahit ano pa man ang paliwanag nila, hindi pa rin maawat ang kanilang mga bashers.

TikToker na si Hazel Edep, nag-react sa 'for content' lang ang pagkawala ng CP
TikToker na si Hazel Edep "QueenLuvs14" (Photo credit: Hazel Grace Edep)
Source: Facebook

"Kaya po kami hindi nagsalita agad, kasi po kahit anong gawin namin, explain namin, lahat po, mali po para sa kanila," paliwanag ni JM o mas kilala bilang si 'Boss Choy.'

"Sabi po nila, gawa-gawa lang po namin for content lang, hindi po kami ganun. Kasi kung for content lang sir Raffy, tadtad na po dapat kami ng vlog," dagdag pa nito.

Halos hindi na nga raw nakagawa ng bagong video ang dalawa at minsan pang nag-private ng TikTok account si Hazel dahil umano sa kanyang mga bashers.

"Nag-private po ako ng account ko sa TikTok dahil hindi ko na kinaya ang pambabatikos sa akin. Pero hinayaan ko po 'yun at sabi ko sa sarili ko, darating din po 'yung right time na malalamn po nila 'yung katotohanan," pahayag ni Hazel.

Read also

Hazel Edep, kakasuhan ang nag-record ng convo nila ng mga umano'y nangikil sa kanya

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Unang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang grupo ng umano'y nakapulot ng cellphone ng kilalang TikToker na si Hazel Edep.

Ngunit nang marinig na ni Tulfo ang pahayag nina Hazel at nobyo nitong si JM Cuizon, minarapat niyang ipasailalim ang mga ito sa lie detector test. Pumayag naman ang magkabilang panig.

Sa paraang ito, mas madaling malalaman umano ni Tulfo kung sino ang nararapat niyang tulungan.

Read also

Blotter ng mag-asawa sa grupong nangikil umano kay Hazel Edep, nasa RTIA na

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica