Hazel Edep, kakasuhan ang nag-record ng convo nila ng mga umano'y nangikil sa kanya

Hazel Edep, kakasuhan ang nag-record ng convo nila ng mga umano'y nangikil sa kanya

- Mayroong nagpadala ng umano'y recording ng naging usapan ng TikToker na si Hazel Edep at mga taong nakapulot ng kanyang cellphone

- Pinakinggan muna ito ni Hazel ngunit nang napansin niyang tila edited ito at pabor lamang sa mga nakausap, hindi niya ito pinahintulutang maisa-ere

- Inamin ng isa sa apat na inaakusahan ng pangingikil na ni-record niya ang usapan upang ipagmalaki na nakausap niya ang isang TikTok celebrity

- Desidido rin si Hazel na kasuhan ang mga ito lalo na at labag sa batas ang pagre-record ng anumang usapan na walang pahintulot ng magkabilang panig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa umanong recorded conversation ang natanggap ng programa ni Raffy Tulfo kung saan makikinig ang naging usapan ng TikToker na si Hazel Edep at ang mga taong nakapulot ng kanyang cellphone.

Nalaman ng KAMI na humingi muna ng pahintulot si Tulfo sa panig ng mga akusado at isa rito si Jumar Estudillo gayundin sa panig ni Hazel kung maari itong isa-ere.

Read also

Blotter ng mag-asawa sa grupong nangikil umano kay Hazel Edep, nasa RTIA na

Hazel Edep, kakasuhan ang nag-record ng convo nila ng mga umano'y nangikil sa kanya
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Matapos na mapakinggan ni Hazel ang naging usapan, hindi ito pumayag na isa-ere gayung 'edited' at 'putol' daw ito na tila pabor lamang sa kanyang mga nakausap.

Inamin ni Jumar na ni-record niya ang naturang usapan upang sakaling maging maayos ang kanilang pag-uusap, maipagmamalaki niyang nakausap niya ang isang TikTok celebrity.

"Ibig sabihin sir, set-up po 'yung ginawa niyo sa amin, 'di ba po? Aminin niyo na po kasi sir."

"Iligal po 'yan sir, wire tapping po 'yang ginagawa niyo, pwede ko po kayong kasuhan sa ginawa niyo sa akin at kakasuhan ko po talaga kayo sa ginawa niyo," giit ni Hazel.

Nang isangguni ni Tulfo ang naturang insidente kay Atty. Freddie Villamor, binasa pa nito ang nasasaad sa batas na bawal at iligal ang pagre-record ng anumang usapan na walang pahintulot ng mga nag-uusap.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

TikToker na si Hazel Edep, nilinaw na hindi 'for content' lang ang pagkawala ng CP

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Unang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang grupo ng umano'y nakapulot ng cellphone ng kilalang TikToker na si Hazel Edep.

Ngunit nang marinig na ni Tulfo ang pahayag nina Hazel at nobyo nitong si JM Cuizon, minarapat niyang ipasailalim ang mga ito sa lie detector test. Pumayag naman ang magkabilang panig.

Sa paraang ito, mas madaling malalaman umano ni Tulfo kung sino ang nararapat niyang tulungan.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica