Blotter ng mag-asawa sa grupong nangikil umano kay Hazel Edep, nasa RTIA na
- Nilabas na ng "Raffy Tulfo in Action" ang ilang bahagi ng police blotter sa grupong nakapulot ng cellphone ng TikTok Star na si Hazel Edep
- Taong 2019 pa nangyari ang insidente kung saan namukhaan ng mga bagong complainant ang grupo ng nakapulot ng cellphone ni Hazel
- Si Annabelle Aguilar ang namukhaan ng isa sa mga bagong complainant nang makapanayam ito ni Tulfo
- Sinabi ni Tulfo na hihintayin nila ang resulta ng lie detector test upang malaman kung sino nga ba ang nararapat niyang tulungan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inilibas na sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo ang bahagi ng police blotter ng mag-asawang sina Marites at Alvin Rivera laban sa umano'y grupo na nakapulot cellphone at nangikil sa TikTok celebrity na si Hazel Edep o mas kilala bilang si 'QueenLuvs14'.
Nalaman ng KAMI na kinumpirma mismo staff ni Tulfo na isang police blotter nga ang naitala noong Mayo 25 ng taong 2019 dahil sa pagkawala ng pera ng mag-asawang Rivera na nagkakahalaga ng Php20,000.
Naganap umano ito nang magpunta sila sa Divisoria at sinasabing dinumog at ginitgit umano sila ng grupo na binubuo 'di umano nina Jumar Estudillo, Annabelle Aguilar at mag-asawang sina Angelito at Lea Martin.
Kwento ni Alvin, si Annabelle ang kanyang namukhaan talaga nang maipalabas ang panayam ni Tulfo sa grupo.
Samantala ang misis naman niyang si Marites ay makikitang emosyonal at tila nakararamdam pa rin ng takot habang binabalikan ang pangyayari.
"Iyong nakita ko lang po sa TV, nag-react na kami sabi na tutulungan ito, hindi kami papayag na tulungan niyo po sila, hindi kami papayag nun' sir. Kaya nag-react kami, kaya nandito kami sir," paliwanag ni Alvin.
Itinatanggi naman ito ng grupo lalo na ng namukhaang si Annabelle na bagaman at wala raw trabaho ay hindi magagawa ang ganoong bagay.
Gayunpaman, iminungkahi ni Tulfo na hintayin ang magiging resulta ng lie detector test upang malaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nararapat niyang tulungan.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh