Jennica Garcia, inaming nagkasama sila ni Alwyn at kanilang mga anak sa Tanay

Jennica Garcia, inaming nagkasama sila ni Alwyn at kanilang mga anak sa Tanay

- Hindi ikinaila ni Jennica Garcia na kasama niya si Alwyn Uytingco at mga anak nila sa Tanay

- Gayunpaman, nilinaw niyang kasama din niya ang ilan pang mga pamilya nila

- Minabuti na lamang ng aktres na linawin kung bakit nakita nila si Alwyn kasama nila

- Nabanggit niya rin na sa kasalukuyan ay sinusubukan nila ni Alwyn na magtulungan bilang mga magulang ng kanilang dalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Palaban ang naging tugon ni Jennica Garcia matapos intrigahin ng ilang netizens ang kanyang pabirong post tungkol sa kanyang pagiging single. Ito ay matapos makita na kasama din nila umano si Alwyn Uytingco.

Jennica Garcia, inaming magkasama sila ni Alwyn at kanilang mga anak sa Tanay
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Tahasang inamin ni Jennica na kasama si Alwyn, gayunpaman, aniya dapat ay hindiikinagulat ng publiko na makita silang magkasama dahil may mga anak sila at kasalukuyan silang nagtutulungan upang maging maayos ang kanilang anak.

Read also

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

Hindi umano iyon nangangahulugang nagkabalikan na sila at kung sakali mang maggkabalikan sila ay sa kanya mismo manggagaling iyon.

Inalmahan ni Jennica ang mga taong umaastang mas alam pa ang buhay niya kaysa sa kanya.

Alwyn took this photo of me. Hindi mo alam yun diba. So kami na? Si Jennica ka ba? Buti ka pa alam mo na nagkabalikan kami, ako hindi pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Read also

Rob Moya, inamin kay Toni Fowler na nagkamali siya ng desisyon sa babae

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel