Joem Bascon, piniling huwag nang magsalita sa kabila ng mga pambabatikos

Joem Bascon, piniling huwag nang magsalita sa kabila ng mga pambabatikos

- Ibinahagi ni Joem Bascon na mas pinili niyang huwag na lamang magsalita kaugnay sa mga isyung pinupukol sa kanya

- Hindi naman na nito binanggit kung tungkol ito sa mga pambabatikos na natanggap kaugnay sa dating karelasyong si Crisha Uy

- Gayunpaman, nasabi ni Joem na iba ang nangyari sa mga sinabi at hindi niya nasasabi ang kanyang side

- Matatandaang umani ng matinding pambabatikos sina Meryll Soriano at Joem matapos labas ni Crisha ang kanyang emosyonal na pagkukuwento tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Joem

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Joem Bascon Mas pinili niyang huwag nang magsalita sa mga isyung ibinabato sa kanya. Hindi na nito sinanggot kung anong partikular na isyu ang kanyang tinutukoy. Sinagot niya ang ilan sa mga katanungang ito sa isang panayam sa kanya ng Star Magic Inside News.

Read also

Janus del Prado, pinagtanggol si Bea Alonzo kaugnay sa pahayag ng isang direktor

Joem Bascon, piniling huwag nang magsalita laugnay sa mga kinasangkutang isyu
Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

Gayunpaman, matatandaang umani ng matinding pambabatikos ang aktor at si Meryll Soriano matapos aminin ni Crisha Uy ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Joem at ang paglabas nila ng tungkol sa kanilang anak na si Gido nito lamang taon.

Ayon kay Joem, hindi na niya nailabas ang kanyang panig at iba umano ang nangyari sa mga sinabi tungkol sa tunay na naganap.

“Di ko naman talaga nasabi yung side ko at hanggang ngayon pinili ko talagang hindi siya sabihin. Iba ang nangyari sa mga sinasabi"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

Read also

Kiko Matos at Eruption, nagkaharap matapos ang naging bangayan

Kamakailan ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon matapos ang ilang buwang pananahimik.

Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revillame ang kanyang baby.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel