Kiko Matos at Eruption, nagkaharap matapos ang naging bangayan
- Matapos ang kanilang palitan ng maanghang na salita nitong mga nakaraang buwan, nagkaharap na sina Kiko Matos at Eruption
- Nagkaprangkahan sila at humingi din ng tulong si Kiko sa kanya kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan niya nang sampalin siya ni Rendon Labador
- Binigyan naman siya ng payo ni Eric "Eruption" Tai tungkol sa kung paano nito mas mapapabuti pa ang kanyang sarili
- Kabilang naman sa kondisyon ni Eruption para mapapayag siya sa hinihinging tulong ni Kiko ay ang mag-public apology si Kiko at tigilan na ang pagmumura at panghahamon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ni Kiko Matos ang paghaharap nila ni Eric Eruption Tai kamakailan matapos ang kinasangkutang gulo pagkatapos ng basketball match nina Rendon at Jonah sa Battle of the YouTubers.
Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay hinamon pa ni Kiko si Eruption at nagka-initan pa sila sa kanilang mga pahayag sa social media.
Gayunpaman, sa kanilang pagkikita, inamin ni Kiko na nasaktan siya sa mga sinabi ni Eruption patungkol sa kanya dahil matagal na umano siyang nakasubaybay kay Eruption.
Pumayag naman si Eruption sa tulong na hinihiling ni Kiko sa kondisyong titigilan na niya ang pagmumura at panghahamon, Magpapublic apology siya at sasayaw sila ng "Sayaw Kikay" sa TikTok.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Rendon matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.
Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh