Angeline Quinto, nagbahagi ng isang panibagong house tour

Angeline Quinto, nagbahagi ng isang panibagong house tour

- Isang panibagong house tour ang ibinahagi ni Angeline Quinto sa kanyang YouTube channel

- Sa simula ng video, sinabi niyang ang bahay na iyon ay nabili niya noong 2017 at nasa Batangas umano ito

- Aniya, dito siya lilipat kapag nabenta na ang bahay niya sa Quezon City na kanyang tinatawag na dream house nila ng kanyang Mama Bob

- Gayunpaman, sa huling bahagi ng video, binunyag ni Angeline na prank lamang iyon at ang aktres na si Sylvia Sanchez umano ang totoong may-ari ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napaniwala ni Angeline Quinto na pagmamay-ari niya ang bahay na kanyang ginawan ng house tour sa Batangas. Bukod sa kanyang description sa kanyang YouTube video na iyon, sinabi ni Angeline na nabili niya iyon noong 2017.

Angeline Quinto, nagbahagi ng isang panibagong house tour
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID

May mga pa-throwback pa ito sa mga bahagi ng bahay kaya kapani-paniwalang sa kanya nga ang nasabing bahay.

"This is it!!! Mauuna kayo na makita ang bagong bahay na lilipatan ko after maibenta ko ang dream house namin ni Mama Bob sa QC! Sana maenjoy nyo kasi kahit ako namangha sa sobrang ganda nya at sa laki ng bagong swimming pool ko! Kasya tayong lahat!" aniya sa description ng naturang video.

Gayunpaman, sa huling bahagi ng video, ibinunyag ni Angge na ang tunay na may-ari talaga ng bahay na iyon ay ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.

Read also

Vice Ganda, tinalikuran ang pag-iinom at pagyoyosi para kay Ion Perez

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.

Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel