Abogado, buong pusong tinanggap ang mga alimangong 'ibinayad' ng kliyente

Abogado, buong pusong tinanggap ang mga alimangong 'ibinayad' ng kliyente

- Nag-viral ang post ng isang abogado na tinanggap ang mga alimangong 'bayad' sa kanya ng kanyang kliyente

- Kwento ng abogado, dumayo pa siya sa malayong korte at sa kanyang pag-uwi, dala niya ang isang tali ng mga alimango

- Umamin ang kanyang kliyente na wala raw itong pambayad kaya naman mga huling alimango na lamang nito ang kanyang ibinayad

- Umabot na sa 93,000 na mga positibong reaksyon ang viral post ng abogado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang post ng abogado na si Noel Allen Bose nang ibahagi niya ang bayad sa kanya ng kanyang kliyente.

Nalaman ng KAMI na dumayo pa sa malayong korte si Atty. Bose para dumalo ng hearing.

Matapos ang sesyon, nagtapat ang kanyang kliyente na wala umano silang pera na pambayad sa abogado.

Abogado, buong pusong tinanggap ang mga alimangong ibinayad ng kliyente
Photo: Atty. Noel Allen Bose
Source: Facebook

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

"Client: "Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sainyo?"

Agad namang sumagot ng "okay lang sa akin" ang abogado at buong pusong tinanggap ang isang tali ng matatabang alimango.

Kahit na naka-face mask, bakas ang saya ni Atty. Bose na nagpakuha ng larawan habang hawak niya ang natanggap niyang 'bayad' mula sa kanyang kliyente.

Sa dami ng natanggap, nagbiro naman ang abogado kung ano-ano ang mga gamot na kanyang iinumin matapos niyang kainin ang mga iuuwi niyang alimango.

"Ilang Twynsta, Arcoxia at Atenurix ang iinumin ko para dito?"

Narito naman ang ilan sa mga nakakatuwang reaksyon ng mga netizens na humanga sa kabutihan ni Atty. Bose:

"Thank you for your kindness po. Sana madaming blessing ang matanggap mo and ng buong family mo po"
"Salute po sainyo atty..,Sana madami pang taong katulad mo"
"You are so amazing po! tularan po sana kayo ng marami"

Read also

Delivery rider, proud na nakapagtapos ng kolehiyo habang nagtatrabaho

"Nice! Triple po ang balik ng blessing sa inyo dahil mayroon po kayong mabuting puso"
"God bless your heart attorney! napakabuti niyo po"

Samantala, sa comment section ng viral post, nagbigay ng update ang abogado kung saan luto na ang mga alimangong natanggap niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang post ng isang anak na nagbigay pugay sa kanyang masipag na ama. Appreciation post daw ito ng anak sa kanyang tatay habang sila ay tulong-tulong na naghahanapbuhay.

Gayundin ang isang ng lalaking matiyagang naglalako ng ice cream sa dagat sa mga dumaraang bangka roon. Hinangaan ang lalaki at ang iba ay nagnais pang abutan ito ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel