80-anyos, pinangaralan ang piyanistang nakarelasyon at misis nito

80-anyos, pinangaralan ang piyanistang nakarelasyon at misis nito

- Nagkaharap na sa barangay ang inireklamong 80-anyos sa programa ni Raffy Tulfo ng dati niyang nakarelasyon na piyanista ng simbahan

- Inaakusahan umano ng senior citizen ang piyanista na 'scammer' na sadyang nakikipagrelasyon sa mga tulad niya

- Kasabwat umano ang misis na lalabas sa eksena kung wala na umanong mahita ang piyanista sa mga nakakarelasyong senior citizen

- Napagkaayos na ang dalawang panig at nagawa pang pangaralan ng seinor ang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagkaharap ang 80-anyos na si Zenaida Reyes ang mag-asawang sina Salvador at Analiza Reyes sa kanilang barangay upang tuldukan na ang alitan ng magkabilang panig.

Nalaman ng KAMI na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mag-asawang sina Salvador at Analiza sa umano'y pang-aakusa sa kanila ni Zenaida na mga scammer.

Sinasabing nakikipagrelasyon umano si Salvador na isang piyanista sa simbahan sa mga senior citizen na tulad ni Zenaida.

Read also

Babaeng shoplifter umano sa isang cafe sa Benguet, nahuli sa akto

80-anyos, pinangaralan ang piyanistang nakarelasyon at misis nito
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

At kapag wala na umanong mahita si Salvador sa mga senior, lalabas na sa eksena ang asawa nito upang makakalas na sa relasyon ang piyanista.

Pinabulaanan ito ng mag-asawa gayung si Salvador na raw talaga ang umaayaw sa relasyon nila ni Zenaida. Subalit nagbabanta umano ang matanda na mayroon siyang hindi magandang gagawin sa kanyang sarili kung hihiwalayan siya ng piyanista.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito minabuti nang papuntahin ni Tulfo ang kanyang staff para pagharapin na ang magkabilang panig sa barangay.

Doon nagkaayos na ang mag-asawa at si Zenaida at tuluyan nang tinuldukan ang kung anoman ang namamagitan sa kanila ng piyanista.

Nagawa pa ngang pangaralan ni Zenaida ang mag-asawa na magmahalan at pinayuhan na si Salvador na huwag nang makipagrelasyon sa mga senior citizen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alma Moreno, ipina-Tulfo; hindi umano nakabayad ng renta sa condo

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.5 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel