Babaeng shoplifter umano sa isang cafe sa Benguet, nahuli sa akto

Babaeng shoplifter umano sa isang cafe sa Benguet, nahuli sa akto

- Huli sa akto ang pagnanakaw umano ng isang babae sa La Trinidad Benguet

- Ilang produkto mula sa Country Brew Cafe ang nakuha nito at nagawa pang itago sa loob ng suot niyang damit

- Nakunan pa ng video ang mismong paglalabas ng mga panindang nakuha ng babae

- Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon na grupo umano ang mga ito na matagal gawain ang magnanakaw sa ilang mga establisyimento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natiklo ang isang babaeng shoplifter umano sa Country Brew Cafe sa La Trinidad sa Benguet.

Nalaman ng KAMI na nagawa nitong pumitik ng ilang mga produkto ng cafe at naisilid sa loob ng suot na damit.

Sa ulat GMA News, makikita ang mismong paglalabas ng suspek sa mga ilang bote ng produkto na kanyang nakuha.

Babaeng shoplifter umano sa isang cafe sa Benguet, arestado
Photo: Umano'y shoplifter sa La Trinindad Benguet. (Country Brew Cafe)
Source: Facebook

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na matagal nang gawain ito ng babae at kanyang mga kasamahan.

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

Bukod sa nasabing lugar, nabiktima na rin nila ang ilan pang mga establisyimento sa Baguio City, Ilocos Region at Cagayan valley.

Ayon naman mismo sa post ng Country Brew Cafe, binubuo ng nasa limang katao ang mga shoplifter na ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Lulan sila ng van na nakaparada ng may kalayuan sa lugar na kanilang bibiktimahin upang madali umanong makatakas.

Sinasabing naaresto na ang grupo noong Mayo 27 ngunit inulit pa rin nila ang pagnanakaw noong Mayo 31.

Hindi raw ito ang unang beses na nagawi ang grupo sa kanilang store na marahil nagawa na noon pa ang naturang pagnanakaw.

Nasampahan na rin ng kauukulang reklamo ang grupo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

Sinasabing dahil sa tindi ng dagok na dala ng pandemya, ilan sa ating mga kababayan ang mga nakagagawa ng hindi maganda.

Ang ilan, idinadahilan ang matinding gutom kaya nila nagagawang magnakaw ng pagkain upang malamnan hindi lamang ang kanilang sikmura ngunit pati na rin ng pamilyang kanilang binubuhay.

Subalit mayroon din naman na sa kabila ng hirap na dinaranas, nagagawa pa rin na magbahagi sa mga mas higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica