IT analyst, iniwan ang trabaho sa gitna ng pandemya para sa kanyang 'kapehan'
- Isang dating IT analyst ang piniling iwan ang kanyang trabaho sa gitna ng pandemya para sa sariling negosyo
- Lakas loob na nagresign sa 10 taon trabaho niya para maging boss ng sarili niyang business
- Coffee on wheels ang pinasok niyang negosyo na sa una'y rila pinakaba siya dahil iilan lamang ang kanyang nabibenta
- Ngayon, umaabot na sa 500 serving ng kape ang naibebenta niya kada araw na labis niyang ipinagpapasalamat
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hinahangaan ngayon ang diskarte ng isang dating IT analyst na si Mong Vicente na isa na ngayong boss ng sarili niyang negosyo.
Nalaman ng KAMI na sa kasagsagan ng pandemya, hindi nagdalawang isip si Mong na iwan ang kanyang trabaho sa loob ng 10 taon.
Ito ay para tutukan ang sariling negosyo na 'City Boy Brew' isang kakaibang kapehan dahil ito ay 'coffee on wheels'.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa umpisa, tila napaisip si Mong sa kanyang desisyon na iwan ang kanyang trabaho. Sa loob kasi ng dalawang linggo, iilan lamang ang kanyang naibenta.
Dahil dito, naisip niyang mag-iba ng pwesto kung saan mas maraming tao ang dumaraan at makakakita sa kanyang produkto.
Makalipas ang limang buwan, patok na patok na ang 'coffee on wheels' ni Mong. Katunayan, umaabot na sa 500 ang serving ng kape na kanyang naibebenta sa isang araw. Tinutulungan na rin siya ng kanyang misis gayung hindi na niya kayang mag-isa sa dami na ng tumatangkilik sa kanyang kape.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Bukod sa banta ng COVID-19, isa rin sa mga sumubok sa atin ngayong panahon ng pandemya ay ang ating mga trabaho at pinagkakakitaan.
Subalit dahil likas na madiskarte ang mga Pilipino, nakhanap naman ng ibang paraan ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho sa ibang oportunidad na maari pa rin na maitaguyod ang kanilang pamilya.
Gayunpaman, marami pa rin ang naghihikahos at hindi na nakabangon sa dagok ng pandemya. Wala ngayon silang ibang hiling kundi ang maibalik na lamang sa normal ang dati nating pamumuhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh