Flight attendant, nagtinda na muna ng fishball at iba pang merienda upang makatulong sa pamilya
- Hinangaan ang flight attendant na dumiskarte muna ng pagtitinda habang wala pang trabaho
- Naisipan nito na magtinda muna ng fishball at iba pang merienda upang may maitulong sa kanyang pamilya
- Pawang pagtitinda ang isa sa ikinabubuhay ng kanyang pamilya kaya naman hindi niya ito ikinahihiya
- Laking pasalamat din daw niya sa kanyang pamilya na sinanay siya sa iba't ibang mga hamon ng buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng papuri ang isang flight attendant na si Lorrie May Parungao na hindi ikinahiya ang pagtitinda ng fishaball at iba pang merienda upang makatulong pa rin sa kanyang pamilya.
Isa kasi ang trabaho ni Lorrie sa hindi basta pa makabalik sa operasyon dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo.
Kung noon, bihis na bihis at todo postura ang hanapbuhay ni Lorrie kung saan nakakapunta pa siya sa iba't ibang lugar, ngayon, sapat na ang pambahay na kasuotan sa kanyang naisipang pagkakitaan.
Kwento ni Lorrie sa FlyhighManila, lumaki siya sa pamilya na pawang pagtitinda at negosyo sa farm ang ikinabubuhay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ito ang dahilan kung bakit siya nakatapos ng kolehiyo at naging isang ganap na flight attendant.
Kaya naman ang pagtitinda ng fishball, palamig at iba pang merienda ay kailanma'y hindi niya ikahihiya.
Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya na siyang nagmulat sa kanya sa mga hamon ng buhay.
Ito rin daw ang dahilan na kahit sinusubok ang kanyang propesyon ng pandemyang kinahaharap ngayon, hindi pa rin siya sumusuko.
Tunay na nakaka-inspire ang karanasang ito ni Lorrie na magpapaalala sa atin ang kahalagahan ng pagpapakumbaba lalo na kung hinahamon tayo ng mga pagsubok sa buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh