Suklay at coin purse, munting surpresa ng guro kasama ng mga module

Suklay at coin purse, munting surpresa ng guro kasama ng mga module

- Kinagiliwan online ang pamimigay ng suklay at maliit na wallet ng isang guro para sa kanyang mga estudyante at mga magulang ng mga ito

- Pabirong sinabi ng guro na alam niyang panay na ang kamot sa ulo ng mga magulang gayundin ng mga estudyante sa hirap at dami ng mga modules na sinasagutan

- Ang coin purse naman ay upang maengganyo ang mga mag-aaral na mag-impok

- Aniya, nakatanggap umano sila ng biyaya kaya naman ito'y ibinahagi lamang niya para ganahan pa rin na mag-aral ang mga bata lalo't ikaapat at huling markahan na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang natuwa at humanga sa guro na si Mark Joseph Llagas ng Villafuerte Elementary School na namahagi ng suklay at coin purse sa mga magulang at estudyante niyang kukuha ng modules.

Nalaman ng KAMI na kasabay ng pamamahagi ni Sir Mark ng modules na kanya ring inihanda, nakapatong na rin doon ang makulay na suklay at maliit na pitaka bilang kanyang munting surpresa.

Read also

Ivana Alawi, binigyan ng Php100K at Php50K ang 2 helper matapos niya itong i-prank

Guro, namahagi ng suklay at coin purse sa mga parents at students na kukuha ng modules
Photo: Mark joseph Llagas (Mackoy Fontanilla Llagas)
Source: Facebook

Pabirong sinabi ng guro na marahil ay madalas nang mapakamot sa ulo ang mga magulang at estudyante sa Ikalima at ikaanim na baitang ng kanilang paaralan sa hirap at sa dami ng sinasagutang learning modules kaya naisipan niyang mamahagi ng suklay.

"Sensya na sa nakayanan mga bagets and parents sa pasuklay at alam kong buhaghag na lagi ang buhok ninyo kakamot sa hirap ng modules, oh ayan may pang pa fresh na"

Sinamahan din niya ito ng maliit na pitaka upang maengganyo naman ang kanyang mga estudyante na mag-ipon.

Mayroon ding motivational quotes ang coin purse para ma-inspire ang mga estudyante at pamilya nito sa kabila ng pandemyang dinaranas natin hanggang ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kwento pa ni Sir Mark, nakatanggap umano sila ng biyaya ngayong buwan kaya naman naisipan niyang magbahagi sa iba lalo na sa kanyang mga mahal na estudyante.

Read also

Basel Manadil, sinorpresa ang isang mag-anak sa make over ng bahay nila

"May dumating po kasi na blessings, kaya naisipang mag-share at para magsilbing motibasyon sa kabila ng hirap ng kanilang nararanasan ay may gantimpala pala ang pagti-tiyaga"

Ikaapat at huling markahan na rin ng panuruang taon 2020-2021 kaya para sipagin pa rin ang mga mag-aaral ni Sir Mark, binigyan niya ito ng munting regalo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang post.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tunay na kahanga-hanga ang sipag at tiyaga ng mga guro sa "new normal" ng edukasyon sa kabila ng patuloy nating dinaranas na pandemya.

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng maraming pagbabago sa sistema ng edukasyon, patuloy pa rin ang hindi matatawarang serbisyo ng mga guro, masiguro lamang ang pagpapatuloy ng kalidad na edukasyon para sa kanilang mga mag-aaral.

Read also

Vlogger, namahagi ng nasa Php10,000 sa mga vendor na tumulong sa kanya

Magsilbing inspirasyon sana si Sir Mark sa bawat isa sa atin sa pagbibigay pag-asa lalo na sa mga kabataang hirap din ang kalagayan dahil sa mga pagbabagong dala ng COVID-19 sa ating buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica