Anak, ipinaliwanag ang pagtanggi sa inang nakita niya muli makalipas ang 10 taon

Anak, ipinaliwanag ang pagtanggi sa inang nakita niya muli makalipas ang 10 taon

- Viral ang kwento ng dalagang si Clara Matos na muling nakita ang ina makalipas ang mahigit 10 taon

- Matatandang nakilala si Clara nang matulungan siya ng vlogger na si Virgelyncares na humanga sa kanyang kasipagan

- Si Clara na kasi ang nagtataguyod sa kanilang mag-ama dahil na-stroke na ito

- Kabi-kabila ang raket ng dalaga hanggang sa makapagpatayo na siya ng bahay para sa kanilang mag-ama

- Subalit marami ang nagtaka kung bakit tila hindi naging masaya ang dalaga nang muli niyang makita ang kanyang ina na kanya namang naipaliwanag kung bakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso nang mapanood ang kwento ng dalagang si Clara Matos lalo na ang pagkikita nilang mag-ina makalipas ang mahigit isang dekada.

Matatandaang si Clara ang natulungan ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyncares dahil sobrang humanga siya sa kasipagan ng dalaga.

Read also

6-anyos na sinurpresa ng mga magulang sa kanyang kaarawan, hinangaan ng marami

Dahil dito, maraming netizens din ang na-inspire sa kanyang kwento lalo na nang malamang ng mga ito na sa edad niyang 17, siya na ang nagtataguyod sa kanilang mag-ama dahil ito ay na-stroke.

Anak, ipinaliwanag ang pagtanggi sa ina nang makita niya itong muli makalipas ang 10 taon
Photo: Clara Matos
Source: Facebook

Isa sa mga nakapansin sa kwento ni Clara ang On Record ng GMA News ang Public Affairs.

Doon naibahagi ring ang kawento ng buhay ng dalaga at nalaman nilang anim na taong gulang pa lamang ito nang iwan ng kanyang ina.

Mula noon, ang kanyang ama na ang kasa-kasama ni Clara at tumayong ina at ama niya.

Sa ilang panayam din sa dalaga, nasabi nitong nais pa rin naman niyang makitang muli ang ina.

Subalit nang siya ay surpresahin ng GMA News, iba ang naging reaksyon ng dalaga.

Makikitang diretsahan nitong nasabi na matagal na niyang kinalimutan ang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business

Sa kanyang sariling vlog na Clara's vlog, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang reaksyon nang muling makita ang ina sa pamamagitan ng Zoom app.

"Ang reaksyon ko po ay hindi ko maintindihan"
"Dahil ako po ay masaya naman po nakita ko na buhay siya pero hindi maalis sa aking isipan ang pagkagalit ko nang hindi manlang niya ako binalikan para hanapin at mabuo ang aking pamilya"

Dagdag pa niya na hindi biro ang pag-iwan sa kanya ng ina nang siya ay maliit pa lamang at napakasakit ng pangyayaring ito para sa kanya.

"Kaya sana naman po, ako ay inyong maintindihan dahil sa hindi ko pagpatawad at hindi ko pagkausap ng mahinahon sa aking ina."

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa Clara's Vlog YouTube channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Madam Kilay, inireklamo ng kapitbahay nila sa US: "chinismis pa kami"

Si Clara Matos ay isang vlogger mula sa Bicol na unang nakilala dahil sa isa ring vlogger na si Virgelyncares na tumulong sa kanya. Sa ngayon, mayroon nang 75,000 subscribers si Clara sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang marami ang humanga sa kanya dahil sa pagpapatayo na niya ng bahay nilang mag-ama dahil lamang sa kanyang online business at paglalako ng merienda.

At dahil umabot sa 1.6 million ang views ng video ni Virgelyncares tungkol kay Clara, niregaluhan pa niya ito ng motorsiklo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel