Barangay Chairman sa Palawan, minabuting ibahagi ang isang buwang sahod bilang ayuda

Barangay Chairman sa Palawan, minabuting ibahagi ang isang buwang sahod bilang ayuda

- Hinangaan ang isang kapitan ng barangay sa Palawan matapos nitong ibahagi na lamang ang isang buwan niyang sahod

- Nagdesisyon siyang ipamahagi ang sahod bilang dagdag ayuda sa mga PWD at mga single parent

- Maging ang apo niyang pulis ay nagbigay din ng sahod nito bilang pandagdag sa nasabing ayuda

- Maraming netizens ang natuwa sa inisyatibo ng kapitan na sana raw ay pamarisan pa ng iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na hinangaan si Kapitan Jobeth Galla ng Barangay Bagong Sikat Narra sa Palawan matapos niyang ipamahagi na lamang ang kanyang sahod bilang dagdag ayuda sa kanyang mga nasasakupan.

Nalaman ng KAMI na nagdesisyon na lamang ang kapitan na gamitin ang buong sahod niya ng isang buwan para mabigyan ng karagdagang ayuda ang mga single mothers at persons with disabilities sa kanilang lugar.

Read also

Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens

Barangay Chairman sa Palawan, minabuting ibahagi ang isang buwang sahod bilang ayuda
Kapitan Galla (Photo From Elizabeth Abala Paguntalan)
Source: Facebook

Sa post ng netizen na si Elizabeth Abala Paguntalan, makikitang inaatado na ng kanilang kapitan ang sahod nito at inilalagay sa mga sobre bago ipamahagi.

Nabanggit din sa naturang post na maging ang apo ng kapitan ay nagbahagi rin ng kanyang sahod para maidagdag sa ipamimigay na karagdagang ayuda.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay humanga sa ginawa na ito ng kapitan na sana'y tularan pa ng marami lalo na at patuloy pa rin tayong dumaranas ng pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Good job po Kap! Sana tularan pa kayo ng marami nating mga pinuno"
"Nakaktuwa naman na mismong ang kapitan ng barangay ang gumagawa ng paraan para matulungan ang mga kababayan niya"
"Tama po kap, yung mga PWD poa t mga single mom ang labis din na nahihirapan ngayong pandemic"

Read also

78-anyos na lolo, tuloy ang pangangalakal para sa gatas ng kanyang apo

"God bless you po kapitan, malaking tulong po yan sa mga kabarangay niyo na higit na nangangailngan"
"Malaking pera na rin sana yan para sa kapitan pero naisip pa niyang ibigay. Saludo po kami sa iyo. Masuwerte ang nasasakupan ninyo"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, isa naman ngayon sa mga inisyatibo sa bawat lugar ay ang pagtatayo ng mga community pantry na sinimula sa Maginhawa Street sa Quezon City sa pangunguna ni Ana Patricia Non.

Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry ito at bukod sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, mayroon na ring gumagawa nito sa bansang Timor-Leste.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica