Kiray Celis, naantig sa pagsusumikap ng isang delivery rider kaya inabutan ng ayuda

Kiray Celis, naantig sa pagsusumikap ng isang delivery rider kaya inabutan ng ayuda

- Ibinahagi ni Kiray Celis ang nakakaantig na kwento ng isang delivery rider na nagdeliver sa kanya

- Aniya, naluha siya nang makita ang delivery rider na nagdeliver sa kanya mula Laguna hanggang Manila

- Sa kanyang nakitang kalagayan ng rider at sa pagpupursige nito, inabutan ni Kiray ng tulong ang rider

- Pinasalamatan niya rin ang lahat ng mga rider na kahit delikado ay tuloy-tuloy lang ang pagtatrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naantig si Kiray Celis sa isang delivery rider na sa kabila ng hirap ng buhay ay patuloy pa rin sa pagsusumikap para maghanap-buhay.

Ayon pa kay Kiray, hindi niya napigilang maluha nang masilayan ang rider na naghatid ng kanyang pinadeliver mula Laguna hanggang Manila.

Kiray Celis, naantig sa pagsusumikap ng isang delivery rider kaya inabutan ng ayuda
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

Nagpadeliver ako from laguna to manila. At nung nakita kita ng personal, naluha nalang ako. Sa halagang 300 pesos ganun kalayo binyahe mo tapos yung topbox sa motor yung lalagyan sa likod, talagang tupperware box lang yung sayo tapos meron kang dalang packing tape.

Inihayag ni Kiray ang kanyang paghanga sa pagsusumikap ni Kuya Roger sa kabila ng kahirapan at panganib na dulot ng pandemya.

Kuya, saludo ako sayo.. sana itong post ko makita ng pamilya mo. Para malaman nila na sobrang hard working mo. Sana yung konting tulong ko sayo, eh makabili ka na ng topbox. Sana magkita tayo ulit kuya roger.

Hindi din niya kinaligtaang bigyang pugay ang lahat ng delivery riders.

Kaya sa lahat ng delivery drivers.. salamat po sainyo. Malaking tulong po kayo saming lahat ngayong pandemya. Na kahit may kumakalat na sakit eh hindi kayo natatakot maihatid niyo yung magandang serbisyo niyo samin. Salamat po.

Read also

Jelai Andres, desidido nang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Jon Gutierrez

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa naunang vlog ni Kiray ay ibinahagi niya ang kwento kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Stephan Etopia.

Kamakailan lang ay pinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon bilang magkasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel