Gurong nawalan ng trabaho, nasimulan pa rin rolling community pantry for the homeless
- Isang guro ang nasa likod ng kahanga-hangang "Rolling community pantry for the homeless"
- Na-inspire din siya sa Maginhawa community pantry na sinimulan ni Ana Patricia Non
- Bagaman at nawalan siya ng trabaho dahil sa pandemya, pinili pa rin niyang tumulong sa pamamagitan ng nasabing rolling pantry
- Isang linggo na nila itong ginagawa habang dumarami na rin ang kanilang sponsors kaya mas marami na silang naipamamahaging tulong sa mga taong lansangan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tunay na kahanga-hanga ang isinasagawa ng guro na si Lyra Royo kung saan "rolling community pantry for the homeless" ang naisipan niyang tulong sa mga kababayan nating lalong naghikahos ngayong pandemya.
Nalaman ng KAMI na nagsilbing inspirasyon kay Lyra ang Maginhawa community pantry na sinimulan ni Ana Patricia Non.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Bagaman at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, hindi ito nakapigil kay Lyra para makapagbahagi ng tulong.
Gamit ang hiniram niyang e-bike sa kapatid, nagsimula siya sa Php500 na kanyang ipinamili ng mga ipamamahagi sa mga taong lansangan.
Sa loob ng isang linggo na pagsasagawa ng ganitong pagtulong, dumami na rin ang kanyang sponsors kaya naman mas marami na rin siyang natutulungan at naipamimigay.
Ayon kay Lyra, karamihan sa mga taong lansangan ay nahihiyang mahusgahan kaya hindi raw nakikipila ang mga ito sa mga community pantry.
Dahil dito, mas lalong pinagtibay ni Lyra ang kanyang adhikain na siya na mismo ang lumapit sa mga kababayan nating nakararamdam ng gutom at kakulangan sa araw-araw nilang pangangailangan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tila naging domino effect na ang mga community pantry sa bansa na malaki ang naitutulong sa mga kababayan nating lalong naghikahos dahil sa pandemya.
Ang nakatutuwa pa sa nangyayari, kahit ang mga inaakala nating nangangailangan ng tulong, sila pa itong nagmamalasakit na magbigay sa kanilang community pantry.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Katunayan, isang batang lalaki ang nabigyan ng scholarship ng isang organisasyon matapos magbigay ng kalahating kilo ng kamote ang kanyang pamilya sa kanilang community pantry.
Labis na natuwa sa kanya ang mga organizers lalo na at makailang beses pa talagang nagbigay ng donasyong kamote ang pamilya ng bata.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh