Napakalaki at bonggang community pantry sa Bulacan, trending na sa socmed
- Talaga namang mapapa-wow ka sa laki at napakaraming ayuda na ipamimigay sa isang community pantry sa Bulacan
- Ito ay mula sa Barangay Iba, Hagonoy na pinangunahan ng kanilang Kapitana
- Ayon sa isang ulat, mula ito mismo sa sariling pera ng barangay chairman ng Iba
- Ang mga netizens tuloy, sabay-sabay na napa-sana all
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bonggang-bongga sa laki at dami ang ipinamimigay sa isang community pantry sa probinsiya ng Bulacan!
Mabilis na nag-trending sa social media ang community pantry na ito na matatagpuan sa Barangay Iba, Hagonoy.
"Maraming salamat po sa siksik, liglig at umaapaw na pagpapala na naipamahagi po natin sa ating mga minamahal na Ibanians, unlimited supply and sky is the limit para po sa lahat!
"Nawa po ay sa simpleng paraan ng ating walang sawang pagtulong ay mas marami pa ang ma inspire sa ginagawa natin na pagbabahagi para sa mga higit na nangangailangan!" ayon sa isang Facebook ni Kap.
Naitampok na rin sa iba't-ibang local news outlet ang naturang community pantry sa pangunguna ng kanilang Barangay Chairman na si Kapitana Jhane Estrella dela Cruz.
Ang mga netizens talaga namang napa-sana all sa dami ng ayudang tulong para sa nasabing barangay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Magmula sa gulay, isda, itlog at bigas, kumpleto na ito para sa mga mamamayang nakakaranas ng hirap ngayong may pandemya.
Mabilis na kumalat sa bansa ang mga community pantry, na hango sa Maginhawa community pantry na hanggang ngayon ay dinudumog pa rin ng tao.
Sa isa pang report ng KAMI, ilang magsasaka mula sa Tarlac ang nagbigay ng tanim na kamote sa Maginhawa community pantry.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, usap-usapan ngayon ang gulong nangyari sa itinayong community pantry ng aktres na si Angel Locsin kung saan isang senior citizen ang nasawi.
Agad namang humingi ng tawad si Angel at nangakong tutulungan ang pamilya ng nasawi. Ang anak ng pumanaw na matanda, nagbigay na rin ng pahayag ukol dito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh