Video ng JaMill tungkol sa "jowang manloloko" muling nag-viral sa gitna ng isyu

Video ng JaMill tungkol sa "jowang manloloko" muling nag-viral sa gitna ng isyu

- Muling kumalat sa social media ang video ng couple vlogger na JaMill tungkol sa mga "jowang manloloko"

- Ito ay matapos ang paglabas ng eskandalo sa pagitan ni Jayzam Manabat at ng ilang babaeng nauugnay dito

- Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang umano'y pakikipaghalikan ni Jayzam sa isang babaeng fan

- Ilan pang babae ang kasunod na naiugnay kay Jayzam matapos nito, ayon na rin mismo kay Camille Trinidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nag-viral ang video ng YouTube star couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad tungkol sa mga "jowang manloloko".

Sa naturang video, binatikos ni Jayzam ang mga kasintahang nagloloko at nagbigay ng kanyang opinyon.

"Kapagka manloloko talaga, mangloloko talaga 'yan!" ayon kay Jayzam. "Kahit anong bantay mo mangloloko 'yan! Kung hindi manloloko 'yan, kahit gaano kadaming tukso dumating d'yan, kung ikaw lang talaga mahal niyan, hindi ka niyan iiwan!"

Read also

Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa

Video ng JaMill tungkol sa "jowang manloloko" muling nag-viral sa gitna ng isyu
Photo: Jayzam Manabat and Camille Trinidad (@jayzamlloyd)
Source: Facebook

Narito ang nasabing video mula sa Mahinang Nilalang Facebook page:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasunod ito nang mga eskandalong kinakaharap ng popular na tambalang JaMill matapos mag-viral sa social media ang umano'y pakikipaghalikan ni Jayzam sa isang babaeng fan sa isang resort.

Bagamat inamin ni Jayzam na nakilala nga niya ang babae, mariin naman nitong itinanggi na may halikang naganap.

Humihingi na rin daw ang vlogger ng CCTV sa naturang resort upang malinis ang kanyang pangalan.

Samantala, bukod sa nabanggit na babae, ilang pang babae ang naiuugnay ngayon kay Jayzam.

"Jayzam baket? Nung nalaman ko yung una ang sakit pero pinatawad pa rin kita, diba? Bakit umilit pa? May pangatlo pa? May pag-apat pa?"

"Akala ko okay tayo e. Yung unang beses pa gna lang ang sakit na para sa akin pero tinanggap ko. Nag-usap tayo, pinatawad kita kasi mahal kita. Jayzam ang sakit," ayon kay Camille sa isang post nito.

Read also

Jayzam Manabat, itinaggi ang 'halik' issue; gustong linisin ang pangalan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang designer naman ang hindi napigilang mag-rant sa social media matapos umano silang i-ghost ng JaMill para sa isang collaboration photoshoot.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel