Derek Ramsay at Ellen Adarna, nagbalik-tanaw sa kanilang first kiss

Derek Ramsay at Ellen Adarna, nagbalik-tanaw sa kanilang first kiss

- Muling binalikan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang naging first kiss nang sila ay naging magkarelasyon na

- Ayon kay Derek, hindi marunong humalik si Ellen at ikinabigla niya umano ito lalo at ang gandang babae ng aktres

- Kinatulala ni Derek kung paano umano nangyari ang kanilang first kiss at talagang napaisip ang aktor dahil dito

- Matatandaang ginulat ng dalawa ang publiko nang ibalita nila ang tungkol sa kanilang engagement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay ang tungkol sa kanilang naging first kiss. Ito ay nang makapanayam sila ni G3 San Diego nitong Lunes.

Binalikan nila kung paano naganap ang kanilang first kiss na ayon sa kanila ay noong naging magkarelasyon na sila.

Derek Ramsay at Ellen Adarna, nagbalik-tanaw sa kanilang first kiss
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

Ayon kay Ellen, taliwas sa mga panghuhusga ng tao sa kanila, naganap ang kanilang first kiss nong naging magkarelasyon na sila.

“We kissed after we were boyfriend-girlfriend na. Super wholesome! Like, I’m sure people would imagine, ‘F*ckboy and f*ckgirl!’ Natatawa ako! Buti pa ‘tong mga tao na ‘to may in-imagine!”

Nagkakilala sila nang personal matapos silang i-set up ng kanilang kaibigan sa isang blind date noong January bago pa man naganap ang dinner party kung saan unang lumabas ang usap-usapan tungkol sa kanila.

February 4 nang maging opisyal silang magkarelasyon.

“This was two weeks na, na we were hanging out almost every day,” Adarna noted. “We would touch, may kaunting holding hands na hindi mo alam kung holding hands ba o hindi. ‘Sh*t, gusto ko na siya i-kiss!’”

“Ito na, iki-kiss ko na siya… Bigla akong natawa. Natawa ako sa sarili ko. Ang tagal kong iniisip. Okay, diniretso ko na siya. She hit me with her teeth!”

Read also

Lalakeng ikakasal na, patay nang mabunggo ng truck habang angkas ang fiancée

Maging si Ellen ay hiyang-hiya sa nangyaring iyon.

Aminado naman si Derek na natulala siya.

“Ako naman, I was tulala. Like, what the hell? I went home, and I was doing some contemplation. ‘Ang ganda-ganda niya, pero she can’t kiss, e that’s my favorite thing. She can’t kiss!’ It was so bad, it really disturbed me. Pero I like her so much.”

Naganap naman umano ang kanilang proper kiss nang minsan ay magkatampuhan sila. Matapos nilang makapag-usap ay doon na nila naisip na sila talaga ang para sa isa't-isa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Couple goals! Dingdong, nag-post ng lambing moments nila ni Marian

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel