Lalakeng ikakasal na, patay nang mabunggo ng truck habang angkas ang fiancée

Lalakeng ikakasal na, patay nang mabunggo ng truck habang angkas ang fiancée

- Isang lalake ang namatay habang angkas sa motor ang kanyang fiancée noong March 31

- Nabangga ang kanilang motor ng isang dump truck sa Davao-Bukidnon National Highway, Calinan District sa Davao City

- Hindi nakapag-preno ang nasabing dump truck nang biglang huminto ang motor ni Jonex dahil sa isa pang sasakyang dumaan sa harap nito

- Ikakasal sana ang biktima at ang kanyang fiancée ngayong Abril 7

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalakeng nagngangalang Alberto “Jonex” Balano Jr. ang namatay noong Marso 31 habang angkas sa motor ang kanyang fiancée na si Melejie Hermoso. Si Melejie ay nasaktan sa aksidente ngunit siya ay nabuhay.

Lalakeng ikakasal na, patay nang mabunggo ng truck habang angkas ang fiancée
Photo from Elcham Campos Iligan
Source: Facebook

Ayon sa report ng Bombo Radyo Davao, nabunggo ang kanilang motor ng isang dump truck sa Davao-Bukidnon National Highway, Calinan District sa Davao City.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News, nalamang hindi nakapag-preno ang nasabing dump truck nang biglang huminto ang motor ni Jonex dahil sa isa pang sasakyang dumaan sa harap nito.

Read also

Manny Pacquiao sa mga suspek ng Asian attacks sa Amerika: "Ako labanan mo, duwag!"

Dead-on-arrival sa ospital si Jonex, 38, na ikakasal sana ngayong Abril 7.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nag-post ang FB user na si Elcham Campos Iligan ng ilang photos ng couple bago ang trahedya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na bagong bagay sa Pilipinas ang mga motorcycle accidents. Maraming Pilipino ang nagkakaroon ng mga injuries at ang iba pa ay binabawian ng buhay kapag nabangga o sumemplang sa kanilang motorsiklo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa nakaraang report ng KAMI, ibinenta ng aktor na si Benj Manalo ang kanyang motorsiklo. Ito ay matapos masaksihan nila ni Lovely Abella ang isang motorcycle accident.

Read also

Scarlet Belo, nag-react sa sinabi ng daddy niya na araw-araw siyang maghuhugas

Ilang buwan na rin ang nakalilipas nang maaksidente sa motorsiklo ang hip-hop artist na si Geo Ong. Nagkaroon ng fracture ang kanyang mukha dahil sa nasabing aksidente.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Jonex Balano, lalo na sa kanyang fiancee na si Melejie.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel