Nilalaman ng Gr. 6 learning module sa Las Piñas, binatikos ng isang netizen
- Ibinahagi ng isang netizen ang umano'y nilalaman ng isang learning module sa Las Piñas
- Makikita roon ang isang halimbawa ng pangungusap na ang ginamit ay ang naging kontrobersyal na sitwasyon noon ni Senator Mar Roxas
- Ipinaaayos umano ng netizen ang nilalaman ng module na hindi raw tama ang naituturo sa mga bata
- Tinawag din niya ang atensyon ng Department of Education patungkol sa module na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Usap-usapan ngayon online ang isang learning module sa Las Piñas kung saan ginamit ang kontrobersyal na "traffic situation" ni Senator Mar Roxas.
Nalaman ng KAMI na tahasang binatikos ng netizen na si Gina Policarpio ang Grade 6 learning module ng Talon Elementary School sa Las Piñas.
Ayon kay Gina, "kabastusan" ang nilalahad sa isang bahagi ng module na tungkol sa nasabing senador.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
"What kind of writers/authors do you have? Puro kabastusan. Ayusin nyo yan! Wala kayong tinuturo na tama!"
Tinawag din niya ang atensyon ng Kagawaran ng edukasyon tungkol sa nilalaman ng module.
Ibinahagi rin niya ang listahan ng umano'y mga writers ng naturang self-learning module.
Sa ngayon, wala pa umanong kaukulang pahayag ang paaralan maging ang mga manunulat ng module kaugnay sa isyung ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, kamakailan lamang ay isang Grade 5 student ang nahirapan umanong sagutan ang kanyang module na kinakitaan niya ng "gender bias."
Dahil dito, buong tapang na pinuna umano ito ng estudyante na hindi agad nagawa ang activity at lumikha ng isang makabuluhang liham sa Department of Education sa umano'y napansing "error/mistake" na maaring makasakit sa kalooban ng ibang makakabasa nito.
Naging maugong din ang kontrobersiya na "sagot for sale" ng mga self-learning modules na ginagamit ngayon ng mga mag-aaral.
Agad naman itong pinaimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na at nakarating umano sa kanila na ang ilang mga sangkot sa gawaing ito ay mismong mga guro.
Mayroon ding mga magulang na dala ng kawalan ng hanapbuhay, ginawang raket ang sinasabing "sagot for sale" ng mga modules.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh