DepEd, pinaiimbestigahan na ang "sagot for sale" ng mga learning modules

DepEd, pinaiimbestigahan na ang "sagot for sale" ng mga learning modules

- Nakarating na sa Department of Education ang sinasabing "sagot for sale" ng mga learning modules

- May ilang mga nagbebenta na umano ng sagot upang mapadali ang pagpapasa ng mga learning modules at mapataas na rin ang marka ng mga bata

- Hindi raw akalain ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na mayroong mga makagagawa nito partikular na sa mga guro

- Ayon sa kanya, mahaharap sa kasong administratibo ang guro na mapapatunayang gumagawa ng pagbebenta ng sagot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaiimbestigahan na ng Department of Education ang umano'y "Sagot for Sale" para sa mga learning modules ng mga mag-aaral ngayon.

Nalaman ng KAMI na may mga magulang na nakapagbayad umano para lang makuha na ang mga sagot sa learning modules ng kanilang anak upang masiguro na tama ang isasagot ng mga ito, dahilan para magkaroon din siya ng mataas na marka.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Sa panayam ng ABS-CBN News kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, sinabi nitong nakarating na sa kanila ang ganitong sistema ng ilan upang pagkakitaan ang mga sagot ng modules ng mga mag-aaral.

DepEd, iniimbestigahan na ngayon ang "sagot for sale" ng mga learning modules
Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Iyan naman po ay pinapatingnan, papatingnan natin sa ating mga kasama at magpapa-validate tayo ng mga naulat," pahayag ni San Antonio.

"Simula't simula hindi puwedeng gawin ito kasi hindi ito makakatulong sa pagturo ng honesty," dagdag pa niya.

Hindi rin daw niya akalain na magagawa ito ng kapwa niya guro ngunit tiyak niyang mananagot at may karampatang kaparusahan ang sino mang mapapatunayang gumagawa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

'Sagot for sale' ng mga learning modules, idinetalye ng isang magulang

Isa ang pagsasagot ng mga learning modules sa iba't ibang modalities na inihain ng Department of Education upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng pandemya.

Kasalukuyan na ngayong nakatapos ng dalawang markahan ang mga nasa pampublikong paaralan at inaasahang magsisimula ang ikatlong markahan sa Marso 22.

Samantala, kinumpirma rin ng DepEd kamakailan ang mga pagbabago sa school calendar ng panuruang taon 2020-2021 kung saan sa Hulyo 10 ang huling araw ng klase.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica