Grade 5 student na buong tapang na pinuna ang isang aralin, hinangaan ng marami

Grade 5 student na buong tapang na pinuna ang isang aralin, hinangaan ng marami

- Hinangaan ang isang grade 5 student na nagsulat ng liham sa Department Education ukol sa kanyang napansin sa kanyang module

- Ito umano ay kinakitaan niya ng "gender biased" o "stereotyping" patungkol sa kakayanan ng isang babae o lalake

- Sa liham, sinabi niyang maaring isa itong "error/mistake" na maaring makasakit sa damdamin ng ibang makababasa

- Kwento ng kanyang ama, napansin nilang hindi agad nasagot ng kanyang anak ang bahagi na ito ng module hanggang sa makagawa umano ito ng liham sa DepEd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa isang grade 5 student mula Polomolok, South Cotabato dahil sa tahasan nitong pagbibigay ng opinyon kaugnay sa isang activity niya sa kanyang self-learning module.

Nalaman ng KAMI na ang batang ito ay nakilalang si Miguel Lapid at ibinahagi ng kanyang ama na si Michael ang liham na nais niyang maiparating sa Department of Education.

Read also

Lalaki sa mall, na-budol ng nagpakilalang member ng frat at natangayan ng Php38,000

Ayon kay Miguel, kapansin-pansin ang "gender bias" sa kanilang activity sa asignaturang Health kung saan kailangan nilang uriin ang mga kakayanan ng isang babae at isang lalaki.

Grade 5 student na buong tapang na pinuna ang isang aralin, hinangaan ng marami
Photo from Hess Lapid
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

May halimbawa rin kasi sa naturang module kung saan sinabing ang lalake ay "astig, malakas at matapang" habang ang mga babae naman ay nilarawan bilang "iyakin, mahinhin at paiba-iba ng modo."

Dahil dito, buong tapang na pinuna umano ito ng estudyante na hindi agad nagawa ang activity at lumikha ng isang makabuluhang liham sa Department of Education sa umano'y napansing "error/mistake" na maaring makasakit sa kalooban ng ibang makakabasa nito.

Sa panayam ng ABS-CBN sa ama ni Miguel, naikwento nitong napansin nila ang anak na balisa at nalilito kung paano sasagutan ang naturang bahagi ng module.

Hinayaan umano nila ito hanggang sa nagulat na lamang din sila na nakagawa na rin ito ng liham kung saan nilahad niya ang umano'y "gender bias" o "stereotyping" na nakita sa aralin.

Read also

Engagement video ng dating magkasintahan, viral dahil sa #ChangeOil isyu

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lamang ay naging maugong ang kontrobersiya na "sagot for sale" ng mga self-learning modules na ginagamit ngayon ng mga mag-aaral.

Agad naman itong pinaimbestigahan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na at nakarating umano sa kanila na ang ilang mga sangkot sa gawaing ito ay mismong mga guro.

Mayroon ding mga magulang na dala ng kawalan ng hanapbuhay, ginawang raket ang sinasabing "sagot for sale" ng mga modules.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica