Mister, inireklamo ang misis na halos Php50 lang kada buwan ang sustento sa mga anak

Mister, inireklamo ang misis na halos Php50 lang kada buwan ang sustento sa mga anak

- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang mister dahil sa misis niyang Php50 lang umano ang sustento sa mga anak

- OFW ang misis sa Taiwan at may maayos naman daw na sahod subalit napakaliit ng ipinadadala para sa kanilang mga anak

- Ang dahilan ng misis, nagbabayad pa umano siya ng nahiram na placement fee para makapag-abroad

- Sumbat naman ng mister, may iba na itong kinakasama kaya tila nakalimutan na ang mga anak na nasa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Imbis na misis ang magreklamo, ang mister na si Frenzie Villaseñor ang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa asawa nitong OFW na hindi maayos ang sustento sa kanilang mga anak.

Nalaman ng KAMI na halos Php50 lang kada buwan ang naibibigay ng inang si Ronavie Villaseñor sa kanyang anak na nasa Pilipinas.

Read also

Tahanan ng naiwang pamilya nina Sonia at Frank Gregorio, napatapos na ni Raffy Tulfo

Ayon kay Frenzie, maayos naman ang sinasahod ni Ronavie bilang factory worker sa Taiwan na katumbas Php40,000.

Mister, inireklamo ang misis na halos Php50 lang kada buwan ang sustento sa mga anak
Raffy Tulfo (Photo credit:@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kaya naman laking gulat niya nang Php600 lang ang napadala ng misis sa mga anak sa loob ng isang taon.

Ang dahilan daw nito ay ang patuloy niyang pagbabayad ng placement fee sa kanyang pangingibang bansa.

Subalit ang isa pang buwelta ng mister ay ang pagkakaroon umano ng iba ng kanyang misis kaya tila nakaklimutan na nito ang kanyang obligasyon sa mga anak.

Nang kapanayamin na ni Tulfo ang misis ni Frenzie, sinabi nitong kaya lamang niya nagawang maghanap ng iba ay dahil nauna umano ang kanyang asawa na gawin iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ibinunyag din ng misis ang iba't ibang bisyo ng mister. Isa na rito ang paggamit umano nito ng ipinagbabawal na gamot at inamin naman ito ng mister ngunit dalawang taon na raw ang lumipas nang huli siyang nakagamit.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Dahil dito, ipapa-test ni Tulfo si Frenzie dahil hindi niya ito tutulungan kung makumpirma niyang patuloy pa rin itong gumagamit.

Samantala, papayag naman na umuwi na lamang ng Pilipinas si Ronavie ngunit hindi na raw ito makikipagbalikan kay Frenzie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan halos 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Tulfo ang isang OFW na naloko rin umano ng kanyang nobya na hindi naman siya pinakasalan matapos na makakuha nito ng dalawang kotse at malaking halaga ng pera sa kanya.

Read also

Valentine Rosales of Dacera case shares cryptic post: "kaumay na"

Hindi rin nalalayo ang kwentong ito sa isang Bigo live host an inireklamo ang kanyang dating kasintahan dahil sa inubos din nito ang kanyang ipon. Binigyan muna sila ni Tulfo ng kaunti pang panahon upang mapag-usapan ang nais nilang mangyari bago magkasampahan ng kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica