Nag-viral na magkasintahang nangangalakal sa bonggang prenup photoshoot, naikasal na

Nag-viral na magkasintahang nangangalakal sa bonggang prenup photoshoot, naikasal na

- Natuloy na ang pag-iisang dibdib nina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco, ang nag-viral na live-in partners dahil sa kanilang bonggang prenup photoshoot

- Sa tulong ng vlogger at make-up artist na si Richard Strandz, natupad na ang kasalang minimithi nina Rommel at Rosalyn

- Simple ngunit napakagandang wedding ang naganap sa Pamapanga sa tulong na rin ng mabubuting sponsors

- Bukod dito, natanggap na rin ang regalong three-wheeler na kanilang magagamit bilang pang-hanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naikasal na ang nag-viral na couple na sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco. Matatandaang sila ang magkasintahang pawang pangangalakal ang ikinabubuhay at naitampok ng vlogger at make-up artist na si Richard Strandz.

Nalaman ng KAMI na matapos ang ilang linggong preparasyon, natuloy na ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Sa vlog ni Richard, ibinahagi niya ang mga kaganapan kung paano nila sinurpresa sina Rosalyn at Rommel gayundin ang kanilang mga anak.

Read also

Nag-viral na artistahing palaboy, endorser na ngayon ng slimming product

Nag-viral na magkasintahang nangangalakal sa bonggang prenup photoshoot, naikasal na
Photo credit: Richard Strandz
Source: UGC

Ipinakita rin ni Richard ang mga preparasyong ginawa nila upang maisakatuparan ang dream wedding ng dalawa.

Siya rin mismo kasi ang sumama dito upang magkaroon ng mga requirements para sa kasal tulad ng cenomar, marriage license at maging ang mga seminar na kailangan nilang daluhan.

Hanggang sa mangyari na nga ang Christian wedding nina Rommel at Rosalyn, lahat ay naging matagumpay sa gusto nilang mangyari para sa kaganapan ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis ang kasiyahang nadarama ng mag-asawa lalong-lalo na ang kanilang anim na anak na masayang-masaya para sa kanilang mga magulang.

Pinasalamatan naman ni Richard ang lahat ng naging katuwang niya na mga sponsors sa pagtupad ng "Sa Hirap at Ginhawa" wedding nina Rosalyn at Rommel.

Dahil bukod sa kasalan, mayroon ding sponsor na nagbigay ng hiling ng bagong kasal na three-wheeler na magagamit umano nila sa kanilang pagha-hanapbuhay.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nag-viral na rin ang vlog ni Richard Strandz dahil sa isa pa niyang natulungan na si Dennis Pascual. Si Dennis ang 'artistahing' nangangalakal na madalas ding mapadaan sa parlor ni Strandz.

Noong nagkalakas loob siyang kausapin ito, tuloy-tuloy na ang pagtulong niya rito hanggang sa kinupkop na niya ito bilang assistant.

Sumunod na rito ang kanyang vlog tungkol sa noo'y live-in partners pa lang na sina Rommel at Rosalyn na ngayo'y mag-asawa na sa tulong pa rin ni Strandz.

Kilala si Strandz sa kanyang mga make-up at transformation videos. Nito lamang Pebrero 19, umabot na sa 20,000 ang followers niya sa YouTube.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel