Viral na mag-jowa dahil sa AirPods, humantong na rin kay Raffy Tulfo

Viral na mag-jowa dahil sa AirPods, humantong na rin kay Raffy Tulfo

- Sa programa na nga ni Raffy Tulfo humantong ang isang viral na reklamo sa social media

- Batay sa Grab driver na nagrereklamo, pinagbantaan sila ng isang lalaki na nagsabing mayroong kamag-anak na dating NCRPO Chief

- At ang ugat ng gulong ito ay dahil AirPods na nawala umano sa kotse ng Grab driver

- Mabilis itong nag-viral sa social media at umani ng sari-saring reaksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa programa na nga ni Raffy Tulfo humantong ang isang mag-partner na inireklamo ng isang Grab driver.

Mabilis na nag-viral ang reklamo ng driver na si Rommel Abatayo na sinabing pinagbantaan ang kanilang pamilya.

Ang ugat ng gulo ay dahil lang sa nawalang AirPods sa kotse ni Abatayo.

Viral na mag-jowa dahil sa AirPods, humantong na rin kay Raffy Tulfo
Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Batay sa pahayag ni Abatayo, naisakay niya ang call center agent na si "Xian" noong February 24. Ilang sandali matapos niyang maisakay si Xian ay sinabi nitong nakalimutan nito ang wallet kung kaya bumalik sila sa lugar ng tinitirahan nito.

Read also

Pulis na umano'y nanakot sa magkasintahan sa Taguig, ipina-Tulfo na

Maya-maya pa ay sinabi ni Xian na nawawala raw ang AirPods nito kaya naman sinabi raw niya dito na hanapin nila sa kotse.

Ayon naman kay Xian, nang bumaba siya para kunin ang wallet ay iniwan niya sa kotse ni Abatayo ang bag kung saan isinabit niya ang AirPods.

Nang mapansin daw nito na nawawala ang AirPods ay agad niyang ni-locate sa pamamagitan ng GPS sa kanyang cellphone.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Batay dito ay naroon lamang ang AirPods at nag-a-alarm pa nga na narinig din daw ni Abatayo.

Bagamat nagawa raw ng dalawa na maghalughog sa loob ng kotse ay wala silang nakita.

Pero ayon kay Abatayo, ibinigay naman daw niya ang kanyang numero sakaling makita niya ang nawawala nitong gamit.

Laking gulat na lang daw niya nang pag-uwi niya ay ipinakita sa kanya ng misis ang mensahe ng partner ni Xian na si Ar-r Gapusan at tinawag siyang magnanakaw.

Read also

Netizen, muntik nang mabiktima ng umano'y modus ng pekeng delivery service

Ayon pa rito ay mayroon daw itong tito na dating NCRPO chief na ikinabahala raw nilang mag-asawa.

Sa programang Wanted sa Radyo ay ipinaliwanag naman ng bawat isa ang kanilang panig.

Humingi rin ng public apology si Gapusan kay Abatayo dahil sa kanyang nagawa at sinabing "bluff" lamang ang tungkol sa hepe ng NCRPO.

Bagamat noong una ay desidido si Abatayo na sampahan ng kaso si Gapusan ay nakumbinsi na rin itong patawarin na lamang ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Read also

Lalaking nagbanta at nag-post na may hawak na granada, selos daw ang dahilan

Isang lalaking hindi nakakabasa ang napagtripan ng ilan at nag-viral kung saan maraming netizens ang nag-tag din kay Tulfo.

Samantala, isang lalaking nag-viral din dahil sa pagmumura nito sa isang lolong rider ang napahagulgol din kay idol Raffy.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel