Pulis na umano'y nanakot sa magkasintahan sa Taguig, ipina-Tulfo na
- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang pulis sa viral post na nanakot umano sa magkasintahan sa Taguig City
- Sa salaysay ng babae, inaakusahan umano ng pulis ang kanyang nobyo na siyang nagbabanta sa buhay nito
- Hiningan pa sila ng ID ng pulis at maging ang mga cellphone nila ay kinuha rin nito sa hindi nila mauunawaang dahilan
- Binantaan pa sila nito na animo'y babarilin dahil sa panghahamon nito na agawin ang hawak niyang baril
- Pasasamahan na ni Tulfo sa kanyang staff ang magkasintahan upang tuluyan nang masampahan ng kaso ang pulis maging ang ama nito na kasama pa niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na mag-viral ang post tungkol sa pulis na umano'y nanakot sa magkasintahan sa Taguig City, nakarating na rin ito sa programa ni Raffy Tulfo na "Idol in Action."
Nalaman ng KAMI na humingi na ng tulong kay Tulfo ang magkasintahang sina Mariane Sasil at John Robin Valerio dahil sa nagawa sa kanila ni PSSgt. Ericson Aquino.
Kwento ni Mariane, palabas sila noon ng bahay ng biglang dumating ang pulis na si Aquino at inalam ang pagkakakilanlan ni John Robin.
Humingi pa umano ng ID ang pulis para malaman kung nagsasabi nga ba ng totoo ang dalawa tungkol sa detalyeng hinihingi niya.
Agad namang naibigay ito ni Marian ngunit duda pa rin ang pulis. Nang tanungin nila bakit ito ginagawa sa kanila, may patong daw umano na PHP300,000 sa ulo ng pulis at ang pinagbibintangan umano nito na gumawa noon ay si John Robin.
Kahit hindi naka-uniporme, lakas loob pa ring inilabas ni Aquino ang kanyang baril nang papasukin niya muli sa bahay ang magkasintahan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Matitinding pambabanta pa ang nangyari bago sila nito dalhin sa presinto.
Ang masaklap, kasama pa umano ng pulis ang kanyang ama na tila sinamahan siya talaga sa pagpunta kina Mariane at John Robin.
Ayon kay P/Maj. Salvador Camacho, Station Commander ng Taguig Station 5 nadatnan pa umano niya ang magkasintahan noon sa presinto at siya pa ang nag-utos na i-release ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Pasasamahan na ni Tulfo ang magkasintahan sa kanyang staff upang matulungan silang magsampa ng kaso sa pulis maging sa ama nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga tinutukang kaso ni Tulfo ay ang kontrobersyal na pamamaslang umano ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa kanyang mag-inang kapitbahay na sina Sonia at Frank Gregorio.
Sa huling update ng inirekomendang abogado ni Tulfo sa pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor, sinabi nitong nai-presinta na sa korte ang mabibigat na ebidensya laban kay Nuezca.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh