RR Enriquez, nagkamali sa pag-order ng milk tea na nagkakahalaga ng P6 milyon

RR Enriquez, nagkamali sa pag-order ng milk tea na nagkakahalaga ng P6 milyon

- Ibinahagi ni RR Enriquez ang nagawa niyang pagkakamali bilang isang negosyante

- Bumili siya ng maraming stocks ng milk tea sa pag-aakalang mabilis lang itong maibenta kagaya ng kanyang ibinebentang kape

- Marami naman umano ang bumibili ng milk tea ngunit mas konti ang bumibili kung ikukupara sa kanyang kape

- Ibinahagi niya umano ito para ipaalam na sa kabila ng mga papuri na natatanggap niya bilang isang businesswoman, may mga nagagawa din siyang pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ipinagkaila ni RR Enriquez na nagkakamali rin siya sa kanyang mga desisyong ginagawa pagdating sa pagnenegosyo.

Kamakailan ay ibinahagi niya na nag-order siya ng maraming stocks ng milk tea dahil inakala niyang magiging mabenta din ito kagaya ng kanyang binibentang kape na palagi umanong nagkakaubusan.

RR Enriquez, nagkamali sa pag-order ng milk tea na nagkakahalaga ng P6 milyon

RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Umabot sa 6 na milyong piso ang halaga ng kanyang nabiling milk tea. Gayunpaman, naisip niyang hindi pa rin naman siya nalugi dahil maari pa rin naman iyon mabenta kahit hindi kasing bilis ng iba niyang produkto.

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Payo niya sa mga sumusubok na magnegosyo, huwag kumuha kaagad ng maraming stocks at sumubok muna ng paunti-unti.

Paglilinaw niya pa, mabenta naman umano ang milk tea ngunit hindi lang kasinglakas ng bentahan sa kanyang kape.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa kabila ng kanyang tagumpay sa pagnenegosyo, marami pa rin umano siyang pagkakamali at dahil sa nangyari ay natuto siya at nais niyang ibahagi ito sa mga taong nag-uumpisa pa lang din sa pagnenegosyo.

Madami din po akong maling nagagawa as a business owner. Importante nagyon alam ko na alam nyo na so huwag nyo ako tularan sa ginawa ko na yun.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

90-anyos, naglakad ng halos 10 kilometro makakuha lang ng COVID-19 vaccine

Si RR Enriqez ay dating Kapamilya artist sa loob ng walong taon. Naging bahagi siya ng iba't-ibang palabas sa ABS-CBN kagaya ng Wowowee at Banana Split hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Kinalaunan ay tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kasalukuyan siyang karelasyon ng basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapaundar na rin sila ng kanilang bahay.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi ng kanyang pakikisimpatya si RR sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel