Willie Revillame, nag-react nang sabihin ni Donita na nangangamusta si Tekla

Willie Revillame, nag-react nang sabihin ni Donita na nangangamusta si Tekla

- Hindi napigilang mag-react ni Willie Revillame nang banggitin ni Donita Nose na kinakamusta siya ni Super Tekla

- Ayon kay Wil, naaalala lang siya ng mga ito pag may kailangan at may mga problema

- Depensa naman ni Donita, binati niya si Willie noong nakaraang Pasko at hindi totoong nakalimutan niya ito

- Matatandaang unang nakikilala ang tamabalan ni Donita at Super Tekla sa programa ni Willie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila may tampo si Willie Revillame kay Super Tekla ayon sa ilang netizens matapos nitong magbitaw ng mga salita matapos banggitin ni Donita Nose na nangangamusta si Tekla sa kanya.

Bwelta ni Wil, naalala lang umano siya ng mga ito kapag may kailangan o may problema.

Ayon pa sa TV host, iiyak-iyak ang mga ito na lumalapit sa kanya pag may problema pero pag wala na ay hindi umano siya naalala.

Ogie Diaz at Mama Loi, kinumpirmang Kapamilya parin si Sarah Geronimo
Ewan ko sa inyo, pag may problema kayo naaalala niyo ko. Pagkatapos, dumaan ang pasko ano? lahat ano?
Willie Revillame, nag-react nang sabihin ni Donita na nangangamusta si Tekla

Photo from Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Depensa naman ni Donita, binati naman niya si Wil noong pasko. Pabiro naman ang naging tugon ni Wil at may karugtong daw ng panghihingi ang pagbati ni Donita.

Matatandaang unang nakilala ang Tamabalang DonEkla nina Tekla at Donita sa Wowowin. Gayunpaman, dumating sa puntong tinanggal si Tekla sa nasabing show.

Muli siyang nakabalik nang magkaroon siya ng problema dahil naging kritikal ang lagay ng anak niyang si Baby Angelo na anak niya sa kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagkausap sila ni Wil at nagbigay ng tulong ang TV host na ipinagpasalamat ni Tekla ng sobra-sobra. Hindi nito napigilang maiyak.

Ina, inireklamo ang manugang at anak na umano'y nambabastos sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Sa kasalukuyan, lumago na ang YouTube channel ng DonEkla at unti-unting nakakapagpundar ng ari-arian ang dalawa. Mayroon na silang sari-sariling bahay dahil na rin sa patuloy na pagsuporta ng mga netizens sa kanilang YouTube Channel.

Matapos ibahagi ni Donita ang house tour sa kanyang bagong bahay, may iilang netizens na bumatikos sa kanya dahil sa umano'y ginamit lamang niya si Raffy Tulfo noong panahong na-ospital siya. Hindi ito pinalampas ni Donita.

Bukod pa sa kani-kanilang bahay ay napagpasyahan nilang kumuha ng isang bahay kung saan sila magsasama para mas mapadali ang paggawa nila ng kanilang mga videos.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel