Video ng batang tila sinisermunan ang kanyang kuya, kinagiliwan online

Video ng batang tila sinisermunan ang kanyang kuya, kinagiliwan online

- Viral ang video ng batang si "Kaye" na tila sinisermunan ang kanyang kuya

- Ipinagtatanggol umano ni Kaye ang isa pa nilang kapatid na si "Jethro" dahil inaway daw ito umano ng kanyang kuya

- Hindi raw kasi dahilan na kapag ikaw ang kuya ay maari na raw niyang awayin ang nakababatang kapatid

- Ipinaliwanag ng kuya na di naman niya inaaway ang isa nilang kapatid at pinagsasabihan lang niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa batang si "Kaye" nang lakas loob niyang pangaralan ang kanyang kuya na inaaway umano ang isa pa nilang kapatid.

Ibinahagi ng netizen na si Kathleen Anciado Casaba ang nakakaaliw na video ni Kaye habang sinisermunan ang kanyang kuya.

Ayon kay Kaye, hindi raw dahilan ang pagiging kuya para awayin nito ang isa pa nilang kapatid na si "Jethro."

Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket
Video ng batang tila sinisermunan ang kanyang kuya, kinagiliwan online

Photo from Kathleen Anciado Casabal
Source: Facebook

"Hindi ka pa rin pwedeng mang-away kasi kapatid mo yun, bakit mo siya inaaway, akala mo 'di mo yun kapatid," pangaral ni Kaye.

Paliwanag ng kanyang kuya, hindi naman daw niya pinagagalitan ang isa nilang kapatid at pinagsasabihan lamang niya ito.

"Bakit mo siya pinagsasabihan? Batang-bata pa," katwiran ni Kaye.

At dahil paulit-ulit na sinabi ng kanyang kuya na nakaatatandang kapatid naman siya at tama lang na pagsabihan ang kapatid, sinabi ni Kaye na hindi naman daw siya ang "boss" at iyon ay ang kanilang ama.

"Ang boss ay si tatay, oo kasi anak ka niya... hindi siya bata, magulang natin sila!" ang nakakatuwang sagot ni Kaye.

Dahil dito, maraming humanga sa kanya at sinabing "advance mag-isip" si Kaye na animo'y nasa hustong edad na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na nagpakita ng pagkagiliw kay Kaye:

Mister na nilayasan ng misis, kasama ang mga anak sa pangangalakal
"Pwedeng maging YouTuber itong batang ito, manonood ako ng videos niya, promise!"
"In fairness may point ka Kaye. Dapat ito ang pinakakausap ko sa ate ko e."
"Magiging successful na abogado ito someday, mahusay mangatwiran, may point"
"Kawawang kuya nasermunan ng kanyang "ate", aliw ka po baby Kaye"
"Mahusay ang reasoning ni baby, nakakatuwa akala mo 18 years old na kung magsalita"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang kwento ng isang batang balut vendor na kaya pala nagsusumikap ay para sa kanyang ina na mayroong karamdaman.

Gayundin ang post tungkol sa isang batang lalaki na hindi sinasadyang makagastos umano ng P100,000 para sa kanyang online games.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel