Buntis, ipina-Tulfo ang mister na sinaktan siya dahil lang sa isang social media post

Buntis, ipina-Tulfo ang mister na sinaktan siya dahil lang sa isang social media post

- Inireklamo ng misis ang kanyang mister na nagawa siyang saktan dahil lamang sa nai-post niya sa kanyang Facebook

- Nakita raw umano ng kanyang mister ang komento ng ex-boyfriend ng misis na hindi niya nagustuhan

- Matinding pananakit daw ang dinanas ng misis sa mister kaya naman umalis na agad siya sa kanilang tinitirahan

- Nagkasundo na lamang sila na magsusustento sa kanilang mga anak lalo na at ipinagbubuntis pa nito ang ikaapat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng saklolo sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang misis na si Gloryfe Bautista dahil umano sa pananakit na nagagawa sa kanya ng kanyang mister.

Nalaman ng KAMI na nag-post umano si Gloyfe ng mga 'emoji' na umiiyak. Sa naturang post, nagkomento ang kanyang ex-boyfriend kung saan nabanggit pa rin nito ang tawagan nila noon na 'Me.'

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

Nakita ito ng mister ni Gloryfe na si Jenel Bautista at ito raw ang dahilan ng pananakit nito.

Buntis, ipina-Tulfo ang mister na sinaktan siya dahil lang sa isang social media post
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Paliwanag pa ng misis kay Tulfo, tila ginawa lamang daw itong dahilan ng mister para muli siyang saktan dahil noon pa man ay nagagawa na nitong manakit.

Depensa ng mister, hindi lang daw niya nagustuhan ang komento ng ex-boyfriend ng kanyang misis lalo na at tinawag pa rin niya itong 'Me'.

Subalit ayon naman kay Gloryfe, ang mister niya ang likas na babaero at parang hinahanapan na lamang siya nito ng butas upang maibulalas ang pananakit na nadadalas na nitong gawin sa kanya.

Ayon pa kay Tulfo tila takot sa sariling multo ni Jenel dahil ibinibintang niya kay Gloryfe ang kasalanang siya pala ang nakagagawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinagharap na lang ni Tulfo ang mag-asawa sa barangay upang doon ko magkausap at magkasundo kung ano ang nais na lamang nilang gawin sa kanilang sitwasyon.

Read also

Nag-viral na taho vendor na pasan ang anak sa paglalako, may food cart business na

Sa barangay, mas lalong nagkainitan ang dalawa. Napag-alaman ding wala palang trabaho si Jenel na ang kanyang idinadahilan ay ang lockdown at ang hirap ng paghahanap ng mapapasukang trabaho.

Humihiling na lamang ng sustento si Gloryfe para sa kanilang mga anak lalo na at ipinagbubuntis pa niya ang ikaapat. Hindi na umano sila magkakaayos pa lalo na at mapanakit ang mister na kanya nang nilayasan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Biyuda ng napagkamalang magnanakaw ng pulis, idinetalye ang pangyayari sa RTIA

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang misis na iniwan ng mister at tuluyan nang sumama sa matapang nitong babae.

Gayundin ang isang OFW na na-ghost umano ng kanyang 'fiancee' na di na nagparamdam matapos na makuha nito ang mamahaling cellphone at pera sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel