Viral na Korean Vendor, masayang nakipag-bonding sa Syrian vlogger na si Basel Manadil
- Muling nakasama ng Syrian Vlogger na si Basel Manadil ang kanyang tinatawag na abeoji
- Ang Korean ramen vendor na si Chang Sam Hyun ay matatandaang nag-viral matapos mahabag ang marami sa kanyang kalagayan
- Sa bagong video ni Basel ay makikita ang pakikipagbiruan ng Koreano na nauna na ring tinulungan ni Basel at gayundin ng kapwa Koreano na si Ryan Bang
- Kamakailan ay sumama din ito nang nagpaabot ng tulong si Basel sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Rizal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na malungkot ang nag-viral na Korean vendor na si Chang Sam Hyun sa mga video ng Syrian vlogger na si Basel Manadil. Nakikipagbiruan na ito at tumutulong sa pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
Sa isang video ni Basel na ibinahagi sa kanyang YouTube channel na pinamagatang "Adopted Korean father Raiding My House + Package UNBOXING," palangiti at palabiro na si Mr. Hyun.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tinulungan niyang magbukas ng mga pinadalang package si Basel. Magkasabay din silang kumain habang nagkukuwentuhan.
Matatandaang naunang tinulungan ni Basel si Mr. Hyun na naging tulay upang makita ng iba pang vlogger ang kanyang kalagayan.
Isa ang TV host na Korean na si Ryan Bang ang pumunta upang mag-abot ng tulong sa kanyang kalahi. Pagbabahagi ni Mr. Hyun, inabutan siya ng lockdown kaya hindi na siya nakauwi sa Korea.
Nagmagandang loob naman si Ryan na ibigay na lamang dito ang kanyang perang pambili sana ng kanyang ticket pauwi. Dahil sa kanyang trabaho ay hindi umano makakauwi si Ryan ngayong pasko kaya minabuti niyang ibigay na lamang ang pera kay Mr. Hyun.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" ay sikat na vlogger sa bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.
Katunayan, marunong na siyang mag-Tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Kamakailan ay natuwa ang marami nang mamili siya ng mga relief goods at sinamahan niya ito ng ilang mamahaling de lata para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan, Isabela, Rizal at Marikina.
Isa rin sa mga natulungan niya ay ang 76-anyos na Korean vendor ng noodles na nag-viral. Itinuring na niya itong ama na kasa-kasama niya habang hindi pa ito nakababalik sa kanilang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh