Vlogger, nagsama ng mamahalin at imported na de lata sa relief goods na ipamimigay niya

Vlogger, nagsama ng mamahalin at imported na de lata sa relief goods na ipamimigay niya

- Di alintana sa vlogger na si "The Hungry Syrian wanderer" ang presyo ng ipamamahagi niyang mga de lata sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

- Sa kanyang vlog, ipinakita niya ang kanyang pamimili ng mamahalin at imported na de lata at kahon-kahong mga pagkain na ire-repack nila

- Naisip niyang mamigay ng imported canned goods para naman daw makatikim ng ibang pagkain ang mga nasalanta ni 'Ulysses' at baka naumay na raw ito sa sardinas

- Kasama rin sa kanyang mga ipamamahagi ay ang bigas, tubig at maging ang sports drink na Gatorade

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Vlogger, nagsama ng mamahalin at imported na de lata sa relief goods na ipamimigay niya
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer Facebook)
Source: Facebook

Hinangaan ng marami ang pagiging mapagbigay ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer dahil sa mamahaling de lata ang naisip niyang ipamigay sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan, Isabela, Rizal at Marikina.

Read also

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

Nalaman ng KAMI na kasama sa kanyang mga ipamimigay ang mamahaling corned beef at salmon na imported pa galing sa Amerika.

Mayroon din siyang isinamang imported na gatas at maging ang sports drink na gatorade.

Ayon kay Basel, nais niyang makatikim ng ibang pagkain ang mga binaha at labis na sinalanta ni Ulysses, dalawang linggo na ang nakalilipas.

"I just want them to try something yayamanin kasi baka maumay sila sa sardinas," ayon kay Basel na di ininda ang presyo ng ipamamahaging de lata para lang makatikim ng ibang pagkain ang mga kababayan nating binagyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa mga mamahaling de lata, nagsama pa rin siya ng bigas, local canned goods, instant noodles, tubig, kape at iba pang mga pagkaing makakapagbigay saya sa ating mga kababayang ilang araw nang nagutom dahil di agad nakarating ang mga relief goods.

Read also

Pinoy vlogger, sumagot sa paratang na di siya tumulong sa mga nasalanta ng bagyo

Sa video na ibinahagi ni Basel, ipinakita niya kung gaano karami ang kanyang pinamili at ni-repack para lang marami silang mabigyan.

Mapapansin ding kasama niya ang viral na Korean na nagtitinda ng noodles na tinatawag niyang "Aboeji" na ibig sabihin ay ama sa Korean. Masaya itong nag-repack at sasama rin daw umano ito sa pamamahagi ng relief goods ni Basel sa iba't ibang lugar.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni "The Hungry Syrian Wanderer":

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Katunayan, marunong na siyang mag-tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang branches ng YOLO.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica