Birthday girl, nagmistulang "wanted o missing" person dahil sa pagbati ng tropa

Birthday girl, nagmistulang "wanted o missing" person dahil sa pagbati ng tropa

- Viral ang social media post tungkol sa isang birthday greeting na ipinaskil sa bawat sulok daw ng Zamboanga City

- Imbis na magmukhang pagbati, naging mukhang "wanted" person ang may kaarawan

- Kinagiliwan ito ng maraming netizens at tuwang-tuwa sa ideya ng tropa sa pagbati niya sa kaarawan ng kaibigan

- Maging ang mismong may birthday ay naaliw sa kakulitan ng kanyang kaibigan, mabati lang siya sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang nakatutuwang post ng isang kaibigan tungkol sa kakaibang birthday greeting niya sa isa nilang tropa.

Nalaman ng KAMI na nagmistulang "wanted o missing person" si Restie Camahalan dahil sa pagbati sa kanya ng kaibigang si Ar-j Sta Maria.

"Happy Happy Birthday Bebe Mk sabi ko naman sayo sobrang proud ako na kaibigan kita at gusto ko malaman ng buong zamboanga city na birthday mo ngayon," ang bahagi ng caption ni Ar-j sa birthday greeting niya para kay Restie.

Angel Locsin, ibinunyag na nabigyan ng trabaho ang ilang Kapamilya employees
Birthday girl, nagmistulang "wanted o missing" person dahil sa pagbati ng tropa

Ang may birthday na si Restie Camahalan Photo from Ar-j Sta Maria
Source: Facebook

Ang nakatutuwa kasi rito, ipinaskil ni Ar-j sa iba't ibang bahagi ng siyudad ang larawan ni Restie.

Kada lugar na pinaglalagyan niya ng pagbati ay may caption bakit niya ito nailagay doon.

Tuwang tuwa ang mga netizens nang makita ang post at nagkaroon daw sila ng ideya sa kung paano nila babatiin ang tropa nilang magdiriwang ng kaarawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hahaha, love na love siya ng tropa niya, ipangalandakan ba namang birthday niya"

"Ang kulit pero ang sweet din. hahahaha nice!"

"So alam ko na ang gagawin ko sa susunod na magbibirthday sa aming magkakaibigan"

"Thank you sa idea. Lagot ang tropa kong magbibirthday, paunahan na lang tayo"

"Hahahaha ano kaya reaksyon ng may birthday?"

Samantala, tuwang tuwa naman ang may kaarawan at nagbiro pa ito na baka mapagkamalan pa siyang nagnakaw o nakagawa ng di maganda dahil sa makulit na birthday greeting para sa kanya.

Vice Ganda, sinugod ang bahay ng Beks Battalion para sa isang house raid

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang larawan ng isang ice cream vendor na nagdala ng good vibes dahil sa kanyang formal attire pag naglalako gayundin ang disenyo ng sorbetes na kanyang nagagawa.

Gayundin ang video ng isang lalaki na nakuha pang mag-kape sa kasagsagan ng bagyo dahil talagang naaliw ang mga netizens sa ipinakita nitong kakulitan at pagiging positibo sa gitna ng kinahaharap na sakuna.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel