Makulit na larawan ni Barbie Imperial na "ipina-Tulfo" raw ng GF ng isang vlogger, viral

Makulit na larawan ni Barbie Imperial na "ipina-Tulfo" raw ng GF ng isang vlogger, viral

- Viral ang edited photo ni Barbie Imperial kung saan nakasalang siya sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo at naireklamo raw siya ng girlfriend ng isang vlogger

- Ang vlogger na tinutukoy ay si Anthony Leodones na madalas na kasama niya sa mga edited photos na ikinagagalit daw umano ng girlfriend nito

- Nag-viral na rin ang ilan sa kanilang mga larawan at game na game naman ang aktres sa gimmick ng magkasintahang vlogger sa kanilang mga social media pages

- Sa husay ng pagkaka-edit, aakalain nga na nasa programa ni Tulfo ang aktes at ang magkasintahang vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Barbie Imperial, ibinahagi ang makulit na larawang kung saan napa-Tulfo siya ng isang vlogger

Photo: Barbie Imperial Facebook
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang larawang ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial sa kanyang Facebook page.

Nalaman ng KAMI na ito ay ang edited photo ng aktres na nasa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo.

Miss Everything, sweet na sweet kasama ang sinasabing BF nito sa viral video

May caption ang larawan ng "Ayun na nga..." dahil may kaugnayan ito sa mga nag-viral na edited photos nila ng vlogger at live streamer na si Anthony Leodones.

Sa larawan, makikita ang galit na girlfriend ni Anthony na si Jamie Bautista na siya raw nagreklamo kay Barbie.

Pinalalabas nilang labis nang nagseselos si Jamie sa bagong "ka-love team" ni Barbie na si Anthony.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aliw na aliw ang mga netizens sa husay ng pagkaka-edit ng mga larawan nina Anthony at Barbie.

Ang makulit pa rito, mapapansing naroon din si Jamie sa ilang edited photos na animo'y nasusundaw daw si Anthony.

Game na game naman si Barbie sa nakakatuwang pakana ng magkasintahang vlogger.

Katunayan, sa isang post, naitanong ni Anthony kung kailan sila pwedeng magkita ng aktres. Sumagot naman si Barbie ng "Ikaw, kailan ka ba pwede?"

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Barbie Imperial ay isang actress at modelo sa bansa. Isa siya sa mga artistang nagmula sa sikat na reality show ng Kapamilya Network, ang "Pinoy Big Brother". Mas lalo siyang napansin nang magbida siya sa isang teleserye, ang “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi” kasama si JM De Guzman bilang kanyang leading man.

Kamakailan lamang ay gumawa siya ng ingay online matapos siyang sumagot sa isang mapanirang komento sa kanya ng netizen kung saan natawag umano siya nitong 'bobo.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel