Jihyo ng TWICE at Kang Daniel, hiwalay na matapos ang mahigit isang taong relasyon

Jihyo ng TWICE at Kang Daniel, hiwalay na matapos ang mahigit isang taong relasyon

- Kinumpirma ng JYP Management ang hiwalayan ng K-Pop stars na sina Kang Daniel at Jihyo ng grupong TWICE

- Agosto ng nakaraang taon nang inanunsyo ni Kang Daniel ang relasyon nila ni Jihyo at nagawa pa niyang mag-sorry sa mga fans dahil hindi niya ito naisapubliko kaagad

- Mahigit isang taon ding tumagal ang kanilang relasyon subalit napagdesisyunan nila pareho na maghiwalay na dahil sa trabaho

- Dahil dito, marami sa kanilang mga fans ang nalungkot lalo na at suportado nila ang pagmamahalan ng kanilang mga idolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Jihyo ng TWICE at Kang Daniel, hiwalay na matapos ang mahigit isang taong relasyon

Kang Daniel (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Hiwalay na ang K-Pop couple na sina Kang Daniel at miyembro ng grupo na TWICE na si Jihyo.

Nalaman ng KAMI na una nang naglabas ng pahayag ang JYP entertainment, ang management ng TWICE, kung saan kinumprima nila ang hiwalayan ng dalawang K-Pop stars.

Paskong Pinoy sa Christmas Ad ng Disney, umantig sa puso ng mga netizens

"It is true that they broke up recently," ayon sa JYP entertainment representative na siyang nagkumpirma sa Soompi.

Sinasabing ang pareho nilang 'hectic schedule' ang siyang naging mitsa ng kanilang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa Dispatch, nasabi umano ni Kang Daniel na nais muna niyang mag-focus sa kanyang career lalo na at mayroon siyang ilalabas na bagong album.

Gayundin si Jihyo na abala sa pag-promote ng kanilang bagong album na "Eyes Wide Open"

Base sa ulat ng Rappler, taong 2018 nang magkakilala ang dalawa subalit isinapubliko nila ang kanilang relasyon noong Agosto ng nakaraang taon.

Matatandaang sa opisyal na pahayag ni Kang Daniel patungkol sa kanilang pagkakamabutihan ni Jihyo, humingi pa siya ng paumanhin sa kanyang mga fans na nagulat sa kanilang rebelasyon.

At makalipas nga ang mahigit na isang taon, muli niyang ginulat ang kanyang mga fans na nalulungkot naman sa hiwalayan nila ni Jihyo.

Viral na Korean vendor, di makapaniwala sa tulong na ibinigay sa kanya ng vlogger

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang TWICE ay isa sa mga popular na South Korean girl group na binubuo ng siyam na miyembro na sina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu.

Isa lamang sila sa mga K-Pop groups na kinababaliwan ng mga Pilipino tulad ng BTS at BlackPink.

Bukod dito, tinatangkilik din ng mga Pinoy ang Koreanovela o K-Drama dahil sa mga kwento nitong nagpapakilig at madalas umantig sa mga puso ng mga Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel