Video ng lalaking nagkape at tumambay sa labas sa kasagsagan ni "Rolly", viral

Video ng lalaking nagkape at tumambay sa labas sa kasagsagan ni "Rolly", viral

- Viral ang video ng isang lalaking nakuha pang magkape sa labas ng kanilang bahay habang nananalasa na si bagyong Rolly

- Bukod dito, nakuha pa niyang humilata sa sofa na nasa labas ng kanilang bahay kahit kitang-kita na sa paligid niya ang lakas ng hangin at ng ulan

- Natuwa ang maraming netizens subalit nabahala naman ang ilan dahil sa panganig na baka matamaan siya ng mga lumilipad na yero sa lakas ng hangin

- Ang ilan, kinapulutan pa ng aral ang 'trip' na ito ng netizen na napaka-positibo pa rin sa kabila ng tindi ng hagupit ng bagyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video na lalaking nagkape at tumambay pa sa labas ng bahay sa kasagsagan ni "Rolly", viral

Photo: Carlo Tanay's Facebook
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang video ng netizen na si Carlo Tanay kung saan nakuha pa niyang magkape sa labas ng bahay kahit nanalasa na ang bagyong Rolly noong Linggo, Nobyembre 1.

Pamilya sa Albay na nanatili sa kisame habang humahagupit si "Rolly", sapul sa video

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa zone 2 San Roque Commonal Ocampo Camarines Sur, isa sa mga lugar na matindi ang hagupit ni "Rolly."

Subalit tila hindi ito alintana kay Carlo na bukod sa 'pag-chill' at pagkakape niya sa labas ng kanilang bahay habang kitang-kita na ang lakas ng hangin at ulan, nakuha pa niyang mag-exercise.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maya-maya pa'y nahiga pa siya sa sofa kung saan siya unang nagkape.

Aliw na aliw ang mga netizens sa ginawa na ito ni Carlo na nagpapakita lamang ng pagiging positibo ng mga Pinoy sa anumang pagsubok na kanilang kinahaharap.

Samantala, ang ilan naman ay nabahala lalo na at makikita sa video ang lakas ng hangin. Baka raw matamaan ito ng mga lumilipad na yero dahil sa bagsik ng bagyong Rolly sa kanilang lugar.

Michelle Bana-ag, handang tulungan ng isang nagmamalasakit na netizen

Umani na ng nasa 84,000 na reaction ang video at meron din itong 11,000 na mga komento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nanalasa ang bagyong Rolly sa bansa kung saan nag-iwan ng matinding pinsala lalo na sa Bicol Region.

Kasalukuyan nang umabot sa 20 ang mga nasawi dahil sa bagsik ng Super Typhoon 'Rolly'. Maraming mga kabahayan at ari-arian ang kasalukuyang lubog pa rin sa tubig habang ang ibang lugar ay wala pa ring kuryente dala ng mga posteng natumba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel