Christmas Bonus challenge, kinagiliwan ng milyon-milyong netizens

Christmas Bonus challenge, kinagiliwan ng milyon-milyong netizens

- Viral ngayong ang mga videos ng netizens na kumasa sa napapanahong 'Christmas Bonus challenge'

- Orihinal na ginagawa umano ito sa TikTok subalit kalat na rin sa iba't iba pang mga social media sites tulad ng Facebook at maging ng Instagram

- Makikita rito na ang mga kumasa sa challenge na sumasayaw sa harap ng mga ATM sa saliw ng musika na "Christmas Bonus ng Aegis

- Dahil sa halos isang buwan na lamang bago ang Kapaskuhan, milyong-milyong netizens ang naaliw sa mga video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang nakakaaliw na mga video ng mga kumasa sa "Christmas Bonus challenge."

Nalaman ng KAMI na sa TikTok unang napanood ang challenge na ito kung saan makikitang sumasayaw ang mga kababayan nating sa harap ng mga ATM sa saliw ng musika ng grupong Aegis na "Christmas Bonus."

Read also

Makulit na larawan ni Barbie Imperial na "ipina-Tulfo" raw ng GF ng isang vlogger, viral

Binahagi ng Facebook page na Quatro ang compilation ng mga video at makikitang kanya-kanyang hataw ang mga kumasa sa challenge na animo'y maglalabas nga ng "Christmas bonus" ang mga ATM dahil sa tindi ng kanilang performance level.

Christmas Bonus Challenge, kinagiliwan ng milyon-milyong netizens
Isa sa mga kumasa Christmas Bonus Challenge Credit: @rphnam_ from TikTok
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Milyong-milyong netizens ang aliw na aliw sa mga kumasa sa challenge. Katunayan, may mahigit 8 million views na ang video na nagkaroon pa raw ng part 2 hanggang part 3.

Natuwa ang mga nakapanood dahil nasasalamin daw dito ang pagiging masayahin ng mga Pilipino sa kabila ng pandemyang kinakaharap pa rin natin kahit nalalapit na ang Kapaskuhan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sa lahat ng napanood kong mga video compilation dito ako tuwang-tuwa"
"Hahahaha.. this is really amazing and hilarious at the same time! I'm smiling from ear to ear!!"
"Nakakatuwa talaga ang mga Pinoy. Kahit andaming challenges this year, game na gamee pa rin sa pagdadala ng good vibes"

Read also

Pamimigay ng relief goods sa Cagayan, viral sa social media

"Performance level sina ate at kuya. Baka po pati bonus ng iba maibigay na sa inyo sa sobrang galing niyo"
"Good vibes talaga mga Pinoy kahit na madami mangyayari hindi maganda ngayon 2020 tuloy lang ang pag-agos ng kasiyahan sa buhay"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng nararanasan nating pandemya, tila excited pa rin ang mga Pilipino sa pagsapit ng Kapaskuhan. Sinasabing ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagdiriwang ng pasko dahil pagpatak pa lamang ng Setyembre o tinatawag na 'bermonths' naglalagay na ang bawat pamilyang Pinoy ng mga palamuting pampasko.

Kamakailan, ay umatig sa mga puso ng Pilipino ang Pinoy-themed na Christmas Ad ng Disney. Makikita rito ang iba't ibang mga tradisyong ginagawa natin sa tuwing sasapit ang pinakamasayang araw ng taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica