Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang pag-aayos sa kanyang 12-foot Christmas tree

Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang pag-aayos sa kanyang 12-foot Christmas tree

- Ibinahagi ni Kim Chiu ang isang vlog kung saan itinayo at inayos niya ang kanyang 12-talampakang Christmas tree

- Naging tradisyon na ito sa kanilang pamilya tuwing sasapit ang kapaskuhan

- Ibinahagi ng aktres na ang nais niyang mga kulay ng palamuti ng kanyang Christmas tree ngayong taon ay kulay pula, silver at puti

- Ang mga palamuting kanyang ginamit ay ang mga dati na niyang nagamit na kanyang itinabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kim Chiu ang isang vlog kung saan itinayo at inayos niya kasama ang kanyang pamilya ang 12-talampakang Christmas tree. Naging tradisyon na ito sa kanilang pamilya tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Ibinahagi ng aktres na nais niyang mga kulay ng palamuti ng kanyang Christmas tree ngayong taon ay kulay pula, silver at puti. Aniya, ang pula ay sumisimbolo ng kasiyahan. Hope at purity naman umano ang sinisimbulo ng puti o silver.

Angel Locsin, ibinunyag na nabigyan ng trabaho ang ilang Kapamilya employees

Dahil sa pandemya, hindi na umano siya bumili ng bagong mga decors at ginamit na lamang niya ang mga dati niya nang Christmas decors.

Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang pag-aayos sa kanyang 12-foot Christmas tree

Kim Chiu (Photo from flickr.com/photos/tillyholland/14861977073)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Siya mismo ang nagkabit ng mga palamuti at pailaw gamit ang isang hagdan. Sa laki nito ay inabot ng madaling araw si Kim sa paglalagay ng mga palamuti.

Kasama ang kanyang mga pamangkin at kapatid, sabay-sabay nilang nasaksihan ang pag-ilaw ng kanilang Christmas tree.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kanyang Christmas tree decorating vlog.

Lagi kng inaabangan ang Christmas tree post mo kng ano ang theme..
Ang ganda ng motif mo ky recycle lng materyal mo,ang galing mo gumawa
Wow ang ganda naman kimmy ang taas talaga ng Christmas Tree

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Anak ni April Boy Regino, naiyak sa music video ng ginawa ng ama

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang nabatikos ang aktres kaugnay sa kanyang statement sa kasagsagan ng issue ng franchise renewal ng ABS-CBN kung saan nabuo ang kanyang awiting 'Bawal Lumabas.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel