Hairdresser, kakasuhan ng customer nalagasan ng buhok dahil sa rebond

Hairdresser, kakasuhan ng customer nalagasan ng buhok dahil sa rebond

- Desidido ang kliyente na kasuhan ang hairdresser na gumawa ng pagrerebond ng kanyang buhok na nagsugat at naglagas

- 20 na araw pa ang nagingn palugit bago bumalik ang hairdresser para remedyuhan ang kanyang nagawa

- Subalit wala pa rin umanong maayos nanangyari sa kanyang buhok na patuloy pa rin ang paglalagas kaya naman labis na nabahala na ang kliyente

- Ni hindi manlang daw ito nag-sorry sa kanya at nang mag-sorry na ito sa programa ni Raffy Tulfo, hindi naman niya kinakitaan ng sinseridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hairdresser, kakasuhan ng kliyenteng nalagasan ng maraming buhok dahil sa pagpapa-rebond
Photo from PxHere
Source: UGC

Buo ang loob at desidido na ang kliyenteng si Keezia Nañez na kasuhann ang hairdresser niyang si Lemuel Laroga na siyang gumawa ng pagre-rebond sa kanyang buhok.

Nalaman ng KAMI na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Keezia dahil hindi umano inaksyunan ni Lemuel ang reklamo niyang labis na paglalagas ng buhok.

Read also

PBA player at GF, ipina-Tulfo ang basketball fan na nagbabanta sa kanilang buhay

Kwento ni Keezia, nagpa-home service umano siya kay Lemuel dahil sa sarado ang salon nito buhat nang mag-lockdown.

Lumipas ang limang oras bago dumating ang hairdresser na kahit gabi na ay itinuloy pa rin ang pagre-rebond at umabot pa ito ng hanggang alas dos ng madaling araw.

Habang isinasagawa ang pag-uunat ng buhok, nagreklamo na umano si Keeziah na nakaramdam na siya ng hapdi sa kanyang anit.

Tinanong naman daw siya ni Lemuel kung kaya pa ni Keezia na ituloy ang isinasagawang rebond at sumang-ayon naman ito.

Subalit nang banlawan na ni Keezia ang buhok makalipas ang ilang araw, naglagas ito at nagkasugat pa umano ang anit na animo'y nasunog.

Ayon kay Lemuel, Keratin Collagen naman ang ginamit niya kay Keezia kaya at first time daw na may nagreklamo sa kanyang kliyente.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Nang ikonsulta ni Tulfo ang sitwasyon ni Keezia kay Dr. Grace Carole Beltran isang Dermatologist, Dermatologic Surgeon St. Luke's QC, sinabi nitong maari pa namang tumubo ang buhok nito lalo na kung hindi naman ganoon ang chemical burn na natamo nito.

Napansin din naman umano ni Keezia na may maliliit nang buhok na tumutubo sa kanya bahaging na-upaw dahil sa tindi ng paglalagas.

Upang mas maayos din ang gamutan, mismong ang programa na ni Tulfo ang sasagot sa pagpapatingin ni Keezia at sa gamot nito upang maging normal na muli ang tubo ng kanyang buhok.

Gayunpaman, itutuloy pa rin ng kliyente ang kaso laban sa hairdresser na 20 na araw bago siya sadyain upang maremedyuhan ang nagawa sa buhok.

Hindi manlang din daw ito nag-sorry sa nagawa at nang mag-sorry pa raw ito sa programa ni Tulfo ay di naman kinakitaan ni Keezia ng sinseridad.

Reckless imprudence resulting to serious or less serious physical injury ang maaring ikaso ni Keezia laban kay Lemuel kung hindi na magbabago ang isip niya.

Read also

Raffy Tulfo, pinangaralan ang babae sa viral video na sinigawan pa ang lalaking nabundol niya

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang hair rebonding ay isang proseso ng pagtutuwid ng buhok lalong lalo na ng mga kababaihan kung saan gumagamit ng chemical treatment. Ginagawa ito sa mga nais na matuwid ang kulot na buhok na madalas mahirap suklayin o ayusin.

Kamakailan, nag-viral ang isang babaeng nagpa-rebond subalit inabot ng curfew ng community quarantine.

Napag-alaman pang ang perang ginamit ay ayuda ng gobyerno na ginamit na lamang sana nito pambili ng pagkain at iba pang kailangan ng kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

iiq_pixel