Babaeng binayad sa rebond ang ayudang ₱6,500, nahuli ng barangay dahil sa curfew

Babaeng binayad sa rebond ang ayudang ₱6,500, nahuli ng barangay dahil sa curfew

- Lumabag sa curfew ang isang babae mula sa Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan matapos nitong magpa-rebond

- Ang siste, umamin pa umano ito na ang perang ginamit niya para rito ay ang ayudang natanggap niya mula sa social amelioration program ng pamahalaan

- Bandang 9:30 ng gabi na ito nakauwi kaya isa siya sa mga nahuli nitong Lunes, Abril 20

- Mariing ipinaaalala ng mga awtoridad na manatili pa rin sa mga bahay lalo na at extended pa ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15 kung saan kabilang pa rin ang Bulacan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang post ni Kagawad Rico Navarro ng Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan dahil umano sa isang babaeng bagong rebond na lumabag sa curfew.

Ayon sa kagawad, 9:30 ng gabi nang makita pa nilang naglalakad sa labas ang babae kaya naman agad nila ito hinuli nitong Lunes, Abril 20.

Umamin ang babae na nagpaayos ito ng buhok kaya umano siya ginabi sa pag-uwi.

Isa rin sa mga inamin nito ang na ang perang ginamit niya sa pagpapa-rebond ay ang ₱6,500 na ayudang nakuha sa social amelioration program ng pamahalaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama ng babae na inabot ng curfew nang araw na iyon ang mag-asawang nag-aaway sa may tulay na hindi alintana ang curfew.

Sa kasalukuyang enhanced community quarantine, ipinagbabawal ang pananatili sa labas mula 7 ng gabi hanggang 5 ng umaga at tanging ang may mga quarantine pass lamang ang pwedeng lumabas mula 5 ng umaga hanggang bago mag-7 uli ng gabi kung bibili lamang sila ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, inumin at gamot.

Mariin pa ring pinapaalala ng awtoridad na manatili pa rin sa mga bahay lalo na at extended ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15 sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica