Rebonded hair na nasira, inabot ng 2 buwan bago naayos ng inireklamong stylist
- Humingi na ng saklolo ang isang babaeng nagpaayos umano ng buhok noong Hulyo
- Imbis kasi na gumaganda ang pina-rebond na buhok, lalo itong nasira, tumigas at hindi na masuklay
- Agad niya itong ipinakita sa gumawa subalit marami raw itong dahilan kung bakit hindi niya ito mabalikan para ayusin
- Kinailangan pang kausapin ng abogado ng programa ng GMA News ang Sumawang hair stylist bago tuluyang napuntahan muli ang nagreklamong babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Imbis na gumanda, naging matigas at hindi na halos masuklay ang buhok ni Eva Diaz na nagpa-home service noong Hulyo.
Nalaman ng KAMI na ang nag-rebond ng buhok ni Eva ay si Roniño Viñas at naningil ito ng halagang ₱1,800.
Kwento ni Eva sa panayam sa kanya ng 24 Oras, maayos naman daw ang naging resulta ng pagpapa-rebond niya kay Roniño. Subalit nang ito'y kanya nang binanlawan, naging matigas na ito at talagang hindi na niya masuklay para ayusin.
"Nung nagpa-rebond po ako okay siya pero nung binanlawan ko na, naging ganito na po buhok ko ang hirap suklayan. 'di ko talaga magalaw,” pahayag ni Eva.
Upang maapulahan, agad niyang kinontak sa Messenger app si Roniño upang maipaayos ang kanyang buhok. Ngunit sa kasamaang palad, andami raw nitong dahilan bakit hindi siya nito magawang balikan.
"Sabi niya ‘sige babalikan kita.’ Pero ang dami-dami niya pong reason na sinasabi niya po ba sa akin na hanggang ngayon hindi po niya ako binabalikan,” ang pagkadismaya ni Eva.
Nang kapanayamin ni Atty. Ivy Ron Quinto ang hair stylist, saka pa lamang ito nagkaroon ng itinakdang araw kung kailan niya mababalikan si Eva.
Makalipas ang mahigit dalawang buwan, saka lamang naayos ang nasirang buhok ni Eva.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang kabuuan ng video:
Ayon sa CosmoPH, ang rebonding ay isang uri ng hair chemical treatment na patok sa mga Pinay na nagnanais na magkaroon ng maganda at tuwid na buhok.
Magpasa-hanggang ngayon, ang proseso ng pagpapa-rebond ang isang solusyon upang magkaroon ng confidence ang isang Pilipina dahil ang pagkakaroon daw ng tuwid at magandang buhok ang sinasabing isa sa mga basehan ng kagandahan.
Ang nakalulungkot dito, kahit pa sabihin ng ilang hair experts na ang treatment na ito ay hindi nakasasama sa buhok, malaki pa rin ang potensyal na makasira ito ng natural na tubo ng buhok ayon sa Philstar.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nito lamang Abril, isang babae na kakukuha lamang ng ayuda ang nakuhang ipampa-rebond ng buhok ang pera. Sa kasamaang palad, nahuli siya ng tauhan ng barangay dahil sa lumabag siya sa curfew.
Ngayon nasa general community quarantine ang karamihang bahagi ng bansa, naglabas na ng patakaran ang pamahalaan kaugnay sa pagbubukas ng ilang establisyimento kasama na rito ang hair salon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh