PBA player at GF, ipina-Tulfo ang basketball fan na nagbabanta sa kanilang buhay
- Nagsumbong na sa programa ni Raffy Tulfo ang player ng Rain or Shine na si Rey Nambatac at girlfriend nitong si Keisha Ancheta matapos makatanggap ng mga pagbabanta
- Nagsimula umano ang mga threats na natatanggap nila mula nang matalo ng Rain or Shine ang Phoenix na labis na ikinagalit ng nagpakilalang PBA fan
- Dahil sa nakahabol pa umano ng karagdagang dalawang puntos si Nambatac, ikinagalit ito ng fan na hinala nilang natalo sa pustahan
- Ngunit nang makapanayam na nila ang sinasabing nagbabanta, hindi raw pala siya ang gumagawa nito at na-hack umano ang kanyang social media account
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matinding takot na ang nararamdaman ng PBA player na si Rey Nambatac ng Rain or Shine at kanyang nobya na si Keisha Ancheta matapos makatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.
Nalaman ng KAMI na nagsumbong na sila kay Raffy Tulfo sa programa nitong Wanted sa Radyo upang maaksyunan ang hindi birong pagbabanta na ginagawa ng nagpakilalang basketball fan.
Kwento ni Nambatac, nagsimula raw ito nang matalo ng kanilang team ang Phoenix kung saan naka-shoot pa siya ng dalawang puntos dahilan para sila'y manalo.
Iyon daw ang ikinagagalit ng nagbabanta na pati ang girlfriend niyang si Ancheta ay napagbabantaan din.
Duda nila, natalo ito sa pustahan kaya ganoon na lamang ang galit nito at napag-initan si Nambatac na siyang huling nakapuntos para sa kanyang kopunan.
Ang matindi kasi rito, nasabi ng nagbabanta na bubulagta na lamang si Ancheta na nadamay sa galit ng fan sa nobyo nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Alam din ng lalaki ang address ni Ancheta dahil sa naka-post ito sa kanyang social media pages dahil isa pala siyang kagawad sa kanilang lugar.
Nakilala ang lalaking si Nesar Dumalagan Jr. na siya umanong nasa likod ng mga pagbabanta sa magkasintahan.
Ayon kay Dumalagan, Oktubre 4 pa nang ma-hack di umano ang account na ginagamit para bantaan ang PBA player at nobya nito.
Katunayan, may mga police report siyang naipakita upang patunayang hindi siya ang nasa likod ng mga death threat sa magkasintahan.
Maging siya raw ay natatakot na para sa kanyang buhay lalo na at nasa isang basketball group page na conversation ng account niya at ng magkasintahan.
Dahil dito, ire-refer na ng programa ni Tulfo sa NBI cybercrime ang nakababahalang insidente upang matunton kung sino nga ba ang nasa likod ng pananakot at pagbabanta sa mag-nobyo.
Narito ang kabuuan video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.
Mabilis niyang inaaksyunan ang mga sumbong ng naaapi, ordinaryong mamamayan man o kilalang personalidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh