'Dugyot' na quarantine facility na nakunan ng video, inaksyunan ni Tulfo

'Dugyot' na quarantine facility na nakunan ng video, inaksyunan ni Tulfo

- Isang nagmalasakit na residente ang dumulog sa 'Wanted sa Radyo' upang ipakita ang kalagayan nila sa quarantine facility ng Davao Oriental

- Nalagak umano ang nagreklamo sa facility nang umuwi ito sa Davao at bilang pagsunod sa safety protocol, na-quarantine muna siya

- Ngunit isang gabi pa lamang ay hindi na niya masikmura ang 'dugyot' at maruming pasilidad kaya naman idinulog niya ito sa kanilang barangay

- Sa kasamaang palad, nakatanggap pa umano siya ng mga banta dahil paninirang puri raw ang ginawa niyang ito sa kanilang barangay

- Ayon kasi sa kanilang kapitan, kalilinis lamang ng pasilidad, dalawang araw bago dumating doon ang nagreklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dugyot na quarantine facility na nakunan ng video, inaksyunan ni Tulfo

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook
Source: Facebook

Hindi masikmura ni Cecil Belacho ang dinatnan niyang "dugyot" na quarantine facility ng Barangay Tibanban sa Davao Oriental.

Nalaman ng KAMI nalagak sa naturang pasilidad si Cecil bilang pagsunod niya sa safety protocol.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Ipinakita niya sa pamamagitan ng isang video ang marumi at 'dugyot' na quarantine facility na ayon sa kanya'y hindi siya magkakaroon ng COVID-19 kundi sakit na makukuha sa maruming lugar na iyon.

Bukod sa mga kalat, may nakita pa umano siyang inu-uod nang pagkain na siyang naging dahilan para ipagbigay alam niya ito sa kanyang ina upang masabi sa kanilang barangay.

Ayon sa kanilang barangay, nalinis naman na ito, dalawang araw bago dumating doon si Cecil.

Sa kasamaang palad, nabantaan pa umano si Cecil sa kanyang ginawa dahil sa paninirang puri umano niya sa kanilang barangay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman humingi na ng saklolo ang babae na ang tanging intensyon lamang ay ang malinis ang pasilidad para na rin sa kapakanan ng kanilang mga kababayan.

Nang kapanayamin na ni Raffy Tulfo sa kanyang programang 'Idol in Action' ang kapitan na si Kap Necito Boy Sanchez Sr., sinabi nitong bukod tangi si Cecil na nagreklamo sa naturang pasilidad.

Lalaking nawalan ng trabaho, naiyak at napadasal nang biglaang nakatanggap ng P3,000

Ito rin halos ang sinabi ni Dr. Reden Bersaldo, ang kinatawan ng Provincial Health Task Force ng Davao Oriental kung saan sinabing 'isolated case' lamang umano ang naturang daing ni Cecil.

Hindi naman ito sinang-ayunan ni Tulfo dahil hindi raw nagsisinungaling ang mga larawan at video na kuha sa pasilidad.

Humingi ng tawad ang kapitan sa pangyayaring ito at pinasalamatan naman ni Tulfo si Cecil na buong tapang na ipinakita ang kanilang kalagayan na magsisilbing aral na rin sa iba pang local government unit sa bansa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.

Mabilis niyang inaaksyunan ang mga sumbong ng naaapi nating mga kababayan at agaran din naman ang kanyang pagbibigay ng tulong sa kapwang kinakapos lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel